Sumabog ang isang hindi pa matiyak na klase ng Improvised Explosive Device o IED sa harap mismo ng M-Lhuillier Pawnshop kung saan naka pwesto naman ang istasyon ng radyo sa ikalawang palapag.
Ayon kay Supt Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang IED ay itinanim sa ilalim ng upuan ng naturang pawnshop.
Nagdulot ng malaking pinsala ang pagsabog kung saan damay din ang mga salamin ng katabing mga establisyemento ngunit wala namang naiulat na nasawi o nasaktan.
Aminado naman ang mga staff ng DXMA-FM Wow Radio sa takot na nadarama lalo't sunod sunod na ang mga nagyayaring pagsabog sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa posibleng koneksiyon ng insidente sa Cotabato at Cagayan de oro City bombing. (Ronald Padojinog/GNN News)
No comments:
Post a Comment