BANAL NA LUNGSOD NG JERUSALEM, Bansang Israel, July 10,
2013---Ginagamit na rin ngayon ng mga Tulunenseng Overseas Filipino Workers
(OFW) ang kapangyarihan ng number one networking site sa buong mundo na
Facebook upang magkaisa at maisulong ang kapakanan ng mga binansagang bagong
bayani. Kaugnay ito sa pagkakatatag ng Overseas Filipino Workers - Tulunan
Group, isang group page sa facebook na ang mga miyembro ay pawang mga taga
Tulunan na nangibang bansa upang makipagsapalaran.
Sa isang panayam sa chat, sinabi ni Cherie Mae Fogata alyas
Intaw, founder ng grupo na naka base sa Israel, pangunahing layunin ng
organisasyon ang matulungan ang bayan ng Tulunan sa pamamagitan ng pagbibigay
ayuda sa mga pamilyang naiwan ng mga OFW sa bayan na nabiktima ng mga
kalamidad, namatayan, pinauwi o minaltrato ng mga employer, at maging sa kalusugan.
Dagdag pa ni Fogata, nagbibigay din sila ng regalong P5, 400.00 para sa mga
aktibong miyembro o opisyal na magpapakasal.
Iginiit naman nitong may mga batayan ang bawat tulong na
kanilang pinapamahagi sa mga benipisyaryo ng organisasyon gaya ng mga
hinihiling na dokumento bago ang ayuda. Sa katunayan, naka pamahagi na di umano
ng tulong ang grupo sa mga kaanak ng
miyembrong namatayan. Kabilang sa mga nasawi ay sina Lasto Felix ng 125 La
Esperanza, at Don Don Palomo na namatay sa nakaraang gulo sa Maybula, Tulunan.
Naitatag ang grupong ito noong Mayo 14, at magdadalawang buwan
pa lamang ngayong July 14 kung saan meron nang 194 active members sa iba’t
ibang bansa na pinamunuan ng mga opisyal at board of trustees
.
Sa bayan ng Tulunan meron ding katumbas na mga opisyal ang
grupong ito kung saan binubuo naman ng mga representative ng mgha pamilya ng
mga OFWs. Sa July 15, nakatakdang magsumite ang mga ito ng mga requirements sa
DOLE upang maging legal ng organisasyon ang kanilang asosasyon ng nagsimula sa
Facebook. (Ronald Padojinog/ GNN news)
KAPIT BISIG SA HIRAP
ReplyDeleteAT KAPIT BISIG DIN SA TAGUMPAY MGA KASIMANWA KO!