Courtesy: Renz Jordan Abonado/ GNN News |
Sa panayam ng GNN news team sa may bahay ng kagawad, nagkaroon di umano nang kaunting kasayahan sa brgy hall dahil sa kaarawan ng biktima kasabay ng pasasalamat ng council sa mga nagdaan nitong aktibidades.Dagdag pa ni Gng. Supat, di naglaon di umano'y nagkatuwaan na ang mga ito at nauwi sa tila baga kantswaan. Ikinagulat di umano nila ang biglaang pag alis ni Espilita. Agad naman silang pinayuhan ng iba pang mga opisyal na umuwi na at umiwas sa gulo. Iginiit din ng ginang na sinunod nila ang payo ng mga kagawad at dali daling umuwi ang mga ito. Laking pagtataka nalang ng dalawa ng nakitang nilang papalapit ang kapitan sa kanila at tinutukan ang biktima. Kasunod nito'y isang putok na ang kumitil sa buhay ng kagawad.
"Sinubukan pa niyang paputukan ulit pero hindi na pumutok ang baril kung kaya't naitulak ko siya. Napaupo pa siya sa lupa at matagal pang nakabangon" ani Gng. Supat. (pagsasalin mula ilonggo)
Agad naman nilang sinugod sa Sorilla Medical Maternity Clinic and Hospital (SMMC) sa Sibsib ang biktima ngunit dineklara itong dead on arrival ayon sa attending physician. Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kanyang braso na lumusot sa ilalim ng kanyang kilikili patungong dibdib.
Sa ngayon sinusubukan pang kunin ng GNN news team ang panig ni Kapitan Espilita na kasalukuyang nasa Tulunan PNP station habang ginagawa ang ulat na ito.
Maririnig ang kabuuang kwento ng insidente bukas sa GNN ratsada ngayon at Tingog sang Katawhan. (Ronald Padojinog/ GNN News)
wala ko gina expect nga mahimu na ni kap ba!
ReplyDeletesobrang Lungkot na balita! :-(