News. Travel and Leisure. Love-Sex-Advises. How To.

NEWS. TRAVEL & LEISURE. LOVE-SEX-FAMILY-ADVISES. ENTERTAINMENT. HEALTH. THINGS TO KNOW.

"If you wonder, go wander; If you wander, you will wonder."An independent news and info- blog for everyone wondering and wandering!
Please feel free to leave your views and opinions about any post in this blog. Your insights are most welcome.
____________________________________________________________________________________________________________________

Monday, April 28, 2014

Supply ng pakwan sa Tulunan sapat hanggang Hunyo, presyo bahagyang bumaba

BAYAN NG TULUNAN, LUNES, ABRIL 28, 2014--Kung ikaw ay mapapadaan sa barangay Sibsib sa Tulunan, agad mong mapapansin ang dami nang mga nagtitinda ng pakwan sa gilid ng daan. Patunay lamang ito na sapat ang supply ng paboritong prutas ngayong summer.

Kaugnay sa dami ng supply bahagyang bumaba ang presyo ng pakwan dito sa bayan  Mula sa 17 pesos bawat kilo ay binaba na ito sa 15 bawat kilo nito lamang linggo. Dahilan ng isang vendor na si Arlene Macabales, masyado na di umanong madami ang mga nag didisplay ng pakwan kung kaya’t pahirapan ang pagbebenta kaya minabuti na nilang ibaba ang presyo. Dagdag pa nito kinailangan nilang tapatan ang presyo ng mga kapwa vendors na may sariling plantasyon ng pakwan.

Ang bayan ng Tulunan ang isa sa mga bayan sa buong bansa na may pinakamaraming ani ng pakwan taon taon. Ayon sa ulat ng Department of Agriculture may humigit kumulang sa 150 hektaryang lupain sa Tulunan ang naharvest noong taong 2013.

Samantala sa kabila ng pagbagsak ng presyo ng pakwan, todo hingi pa rin  nang diskwento ang mga mamimili makakuha lamang ng mas madami. Tatagal pa ang supply ng pakwan sa Hunyo at inaasahan din ang pagbaba pa ng presyo nito sapagkat marami pa di umanong mga pakwan ang di pa naaani.(Ronron Barcenilla Padojinog)