BAYAN NG TULUNAN, LUNES, ABRIL 28, 2014--Kung ikaw ay mapapadaan
sa barangay Sibsib sa Tulunan, agad mong mapapansin ang dami nang mga
nagtitinda ng pakwan sa gilid ng daan. Patunay lamang ito na sapat ang supply
ng paboritong prutas ngayong summer.
Kaugnay sa dami ng supply bahagyang bumaba ang presyo ng
pakwan dito sa bayan Mula sa 17 pesos
bawat kilo ay binaba na ito sa 15 bawat kilo nito lamang linggo. Dahilan ng
isang vendor na si Arlene Macabales, masyado na di umanong madami ang mga nag
didisplay ng pakwan kung kaya’t pahirapan ang pagbebenta kaya minabuti na
nilang ibaba ang presyo. Dagdag pa nito kinailangan nilang tapatan ang presyo
ng mga kapwa vendors na may sariling plantasyon ng pakwan.
Ang bayan
ng Tulunan ang isa sa mga bayan sa buong bansa na may pinakamaraming ani ng
pakwan taon taon. Ayon sa ulat ng Department of Agriculture may humigit
kumulang sa 150 hektaryang lupain sa Tulunan ang naharvest noong taong 2013.
Samantala sa kabila ng pagbagsak ng presyo ng pakwan, todo
hingi pa rin nang diskwento ang mga
mamimili makakuha lamang ng mas madami. Tatagal pa ang supply ng pakwan sa
Hunyo at inaasahan din ang pagbaba pa ng presyo nito sapagkat marami pa di
umanong mga pakwan ang di pa naaani.(Ronron Barcenilla Padojinog)
No comments:
Post a Comment