Bayan ng Tulunan, North Cotabato, Hunyo 25 (GNN)-- Nangingitim ngitim pa ng tingnan ng doctor na nakaduty ang
sugat ng isang 3 anyos na bata sa evacuation center sa brgy maybula tulunan
kahapon habang kasagsagan ng pres conference sa lugar. Kinilala ang batang si Jerry Mart Tercano may katamtaman ang laki at karga karga pa ng
kanyang ina noong ito’y nakagat.
Sa salaysay ng kanyang inang exklusibong nakapanayam ng gnn
news team, habang nakaupo at nakikinig di umano ito sa live report ng grupo,
hindi niya namalayang may aso di umano sa bandang paanan niya dahilan upang
maabot ng aso ang paa ng kanyang anak na kalong niya noong mga sandaling iyon.
Sa tulong ng ggn news team dali daling namang umalalay ang
tulunan rural health unit team sa mag ina. Agad hinugasan ang apektadong parte
ng paa ng bata sa pinakamalapit na poso at sinabunanag mabuti.
Mangiyak ngiyak naman ang kanyang ina habang hinuhugasan ang
paa ng bata.
Sa panayam kay Tulunan RHU Doctor Mylene Perez, sinabi nitong
nagtamo di umano ang pasyente ng category one dog bite kung saan hindi tuluyang nagkaroon ng sugat ang bata ngunit may kaunting bugbog lamang ito.
Payo ni Perez, dapat obserbahan ang aso sa susunod na dalawang lingo
kung ito ba'y manghihina o mamamatay.
Oras na mangyari ito, positibo umano ang aso sa rabbies at kailangang mag pa
inject ng anti rabbies ang bata. Sa oras na di umano mabantayan ang aso, o
namatay sa aksidente sa kasagsagan ng obserbasyon, dapat ng pabakunahan si
Jerry Mart.
Pansamantalang niresetahan ng doctor ang bata ng
antibiotics at pinayuhan ang inang obserbahan ang aso maging ang anak nito. (Ronald Padojinog/GNNnews)
No comments:
Post a Comment