Mismong si 3rd district Congressman elect Pingping Tejada ang umamin sa harap ng media na inatasan ito ni North Cotabato
Governor- elect Emmylou Lala Talino Mendoza na magiging prioridad niya ang pag
lakad ng Tulunan land dispute issue sa department of Agrarian Reform (DAR) at
maging sa Department of Environment and
Natural Resources (DENR).
Sa katatapos lang ng ginawang press conference ng mga
opisyal ng Tulunan, Colombio at Datu Paglas, sinisisi pa rin ng mga opisyal ang
land dispute issue na nagmula pa noong mga nagdaang taon. Sa report, meron di
uamanong inissuehan ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng tatlong land title ng iisang lupa dahilan upang magkagulo sa pag
aagawan ang mga claimant.
Inamin din ng mga opisyal na ang pagplantsa sa nasabing
dispute ay hindi ganoon kadali, sa mensahe nina Tulunan Municipal Mayor Lani Candolada at North Cotabato Governor Lala Mendoza, kapwa nila hiniling sa mga
sibilyan lalo na sa mga apektado na ang kailngan ngayong panahon ay ang mas
habaan pa ang pasensya dahil ang pagkamit sa kapayapaan ay may proseso at hindi
minamadali. Umaasa naman ang dalawa at iba pang nagsalita na makakamtan din ang
minimithing kapayapaan sa bayan ng tulunan.
No comments:
Post a Comment