Bayan ng Kidapawan, North Cotabato/ July 1, 2013--- Humingi
ng paumanhin at kapatawaran sa mga nasaktan niya noong nakaraang eleksiyon si
North Cotabato Vice Governor Elect Gregorio Ipong sa kasagsagan nang kanyang
mensahe noong biyernes. Ito’y matapos muli na naman siyang mahalal sa lalawigan
bilang bise governador sa katatapos lamang na eleksiyon kung saan nagkamit ito
ng landslide victory laban sa nag iisa niyang katunggali.
Nagpahiwatig din si Ipong ng kanyang taos pusong pasasalamat
sa mga sumuporta at patuloy na naniniwala sa kanya at kay North Cotabato Elect
Governor Emmylou “lala” Talino-Mendoza na siya ring nanalo. Aniya, utang niya
sa mga taong bayan ang tagumapay at masaya siya umano dahil si Talino ang
binigay sa kanya bilang gobernadora.
Nagbiro naman si Ipong na baka magiging pasaway di umano ang
mga babeng board members dahil ngayon lang di umano magkakaroon ng limang babae
sa loob ng sesyon hall sa capitol ng cotabato na kinabibilangan nina
boardmember elect- Macasarte, Pagal, Dalumpines, Valdivieso at ng Gobernadora.
Sa mensahe namang ipinarating ni 3rd District
Board member-elect Ivy Dalumpines, inihayag nitong tutulong siya sa ano mang
hakbangin ng pamahalaan, kabilang na ang pagfocus sa edukasyon, kalusugan at
kahirapan. Habang pinaninindigan naman ni 3rd District Board
member-elect Maybell Valdivieso na tutuparin nito ang kanyang mga pangako noong
nakaraang eleksiyon.
Noong biyernes ginanap ang mass oath taking ceremony and
thanksgiving ng mga bagong halal na opisyal sa Amas Capitol Gym, Kidapawan
City. (Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment