Bayan ng
Kidapawan, North Cotabato/July 1, 2013 --Masayang ibinida ngayon ni North
Cotabato Elect Governor Lala talino Mendoza ang mga investors na pumasok na sa
lalawigan ngayong taon. Taliwas aniya sa isyung ang North Cotabato di umano ay
kabilang na sa poorest provinces of the Philippines.
Dagdag pa
nito na nagtataka di umano siya kung saan binase ang mga datus sa nasabing
performance ng pamahalaan. Iginiit nitong di umano sinali ng ahensiya sa likod
nito ang mga investors na namumuhunan na sa lalawigan gaya ng Del monte sa
banisilan at Tulunan, bagong tayong Gaisano Mall sa Kidapawan City, oil palm
mill sa Carmen at iba pang kasalukuyan nang ginagawa. Dagdag pa nito na patunay
ang mga ito na hindi totoong nag hihirap ang lalawigan.
Sa kanyang
mensahe nitong biyernes, sinabi niyang magpaptuloy pa ang mga proyektong
dadating sa north cotabato. Samantala chinallenge naman nang gobernadora ang
mga bagong halal na gampanan ang kanilang tungkulin dahil di umano biro ang
kanilang pinasok, ipakita umano ng mga opisyal ang taos pusong serbisyong totoo
kapalit ng tiwala ng bayan. (Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment