BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 29, 2013---Di alintana ng mga taga Sibsib Nationanal High School (SNHS) maging ang lima pang mga paaralan ang tubig baha matapos ituloy ang katatapos lamang na Friendship game nitong biyernes.
Matatandaang umaga ng parehong araw a 26 ng Hulyo ng sinorpresa ng baha ang buong bayan ng Tulunan kabilang na ang Sibsib. Ngunit imbes na ipagliban ang Friendship game, mas piniling ituloy ng pamunuan ang nasabing palaro ayon sa isang text message na ipinadala ni Sibsib national High School Teacher Fred Arellano.
kahit basa ang paligid hindi naman napigilan ang mga atleta na ipakita ang kanilang kakayahang sumabak sa iba't ibang sports gaya ng basketball, volleyball, takraw, running at iba pa. Pagsapit ng hapon ay biglaan din ang pagbuhos ng ulan, ngunit gaya nga ng inaasahan, naglaro pa rin ang mga ito kahit basa.
May mga larong natapos ngunit may mga laro ding hindi na itinuloy. Ayon pa sa pamunuun ng palaro, iaasign na lamang di umano kung sino ang mag rerepresent ng kanilang unit sa mga larong hindi natuloy.
Nilahokan ng Dimakanit High School, Minapan High School,banayal high school, new caridad vocational and technical school at ang host school na Sibsib National High School.
Sa kabuuan masaya namang nagtapos ang Friendship game na ginanap bilang paghahanda ng Unit 4 sa nalalapit na unit meet na siya namang gaganapin sa Mariano Untal Memorial High School sa bagontapay, M'lang Cotbato.
Samantala, tuloy din ang Nutrition Month Culmination ng Sibsib Baptist Church Learning Center noong biyernes kung saan dinaluhan naman ng mga mag aaral mula nursery hanggang kinder 2 kasama ang kanilang mga magulang at kaanak.
Bandang alas otso ng umaga ng sinimulan ng SBCLC ang kanilang programa na layuning mawakasan ang gutom at malnutrisyon. Kabilang sa kanilang palatuntunan ay ang pagkakaroon ng iba't ibang pa contest na may kinalaman sa nutrisyon gaya ng best main dish, table setting, at healthy mother and baby.
Hinakot naman ng Kinder 2 pupils and parents ang panalo sa lahat ng kategorya. Dinaluhan din ang nasabing pagdiriwang ng mga kilalang personalidad ng barangay maging ang GNN news team. (Ronald Padojinog/GNN News)
News. Travel and Leisure. Love-Sex-Advises. How To.
NEWS. TRAVEL & LEISURE. LOVE-SEX-FAMILY-ADVISES. ENTERTAINMENT. HEALTH. THINGS TO KNOW.
"If you wonder, go wander; If you wander, you will wonder."An independent news and info- blog for everyone wondering and wandering!
Please feel free to leave your views and opinions about any post in this blog. Your insights are most welcome.
____________________________________________________________________________________________________________________
Monday, July 29, 2013
Thursday, July 25, 2013
Tulunan, sinorpresa ng pagbaha!
Photo by: Joey Casalan |
Nakalipas ang isang oras ay inulan na nang texts at mga tawaga ang GNN news team hinggil sa pag akyat di umano ng mga tubig sa iba't ibang parte ng Tulunan.
Una nang nagbigay pahayag ang GNN respondent na si Rolly Estolloso hinggil sa pag akyat ng tubig sapa sa boundary ng Sibsib at New Culasi dahilan ng paglikas ng mga tao.
Maya maya pa'y tumaas din ang tubig sa brgy Kanibong ayon kay Keneth Lerdon, Gnn News. Dagdag pa nito na nakahanda ang mga residfente doon lalo na yong may mga alagang hayop.
Sa Barangay Damawato naman, hanggang tuhod din ang tuhod sa iilang mga purok dahil sa tubig. Sa panayam kay Kgwd. Joel Dublado, iginiit nitong tuloy pa din ang laban ng Damawato kahit na binaha para sa nalalapit na evaluation ng Search for National Best Sanitation Practices.
Bukod sa mga nabanggit na barangay, marami pang apektado ng pagbaha. Sa ngayon, patuloy ang relief at rescue operation sa mga residenteng may matinding pangangailangan. (Ronald Padojinog/GNN news)
Sunday, July 21, 2013
Brgy. at SK polls registration, simula na ngayong araw. Tulunan Comelec ipatutupad ang barangay scheduling for registration
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 22, 2013---Sisimulan na ngayong araw, July 22, ng Commission on Elections (Comelec) ang voters' registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gaganapin sa Oktubre 28.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tatagal ng 10 araw ang registration period na magtatapos ng July 31.
Tinukoy pa ng opisyal na kahit weekend ay bukas ang registration period lalo na para sa mga estudyante na may pasok tuwing weekdays.
Una rito, tutol ang ilang senador sa pagbuwag ng SK sa harap ng mga isyu na nagiging "breeding ground" ito ng kurapsyon at political dynasties.
Ayon kay Sen. JV Ejercito, Sen. Teofisto Guingona III at Sen. Bam Aquino, sa halip na buwagin, dapat rebisahin ang framework at ayusin ang panuntuan ng SK lalo na sa pananalapi.
Bagama't aminado si Guingona na sa edad 15 hanggang 17-anyos na miyembro ng SK, talagang may kakulangan sila sa kaalaman kaugnay ng pangangasiwa sa pinansyal na aspeto.
Gayunman binigyang diin nina Guingona at Aquino na kailangan ng mga kabataan ng isang institusyon upang marinig ang kanilang mga boses o hinaing.
Kaugnay nito ay maghahain ng isang panukalang batas si Ejercito na naglalayong maisailalim sa reporma ang SK.
Samantala sa loob ng sampung araw na registration, ipatutupad ng Tulunan comelec ang scheduling sa bawat barangay para sa maayos na daloy nang pag paparehistro.
Ngayong araw nakatakda para sa barangay Bituan, Nabundasan at Bagumbayan, bukas July 23- brgy Minapan, New Panay, f. Cajelo, july 24- Sibsib, Banayal, Tambac, July 25-Tuburan, New Caridad, Bunawan, July 26- La Esperanza, Kanibong, Damawato, July 27- Batang, Bacong, G. Baynosa, July 28- Daig, Magbok, Paraiso, July 29- Dongos, Popoyon, Bual, July 30- Lamapagang, New Culasi, Galidan at July 31- Poblacion.
Iginiit naman ng pamunuan ng Comelec Tulunan na ito'y gabay lamang. Maari pa ring pumunta ang mga mag paparehistro sa ano mang araw upang magparehistro alinsunod sa batas.(Ronald padojinog/ GNN news)
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tatagal ng 10 araw ang registration period na magtatapos ng July 31.
Tinukoy pa ng opisyal na kahit weekend ay bukas ang registration period lalo na para sa mga estudyante na may pasok tuwing weekdays.
Una rito, tutol ang ilang senador sa pagbuwag ng SK sa harap ng mga isyu na nagiging "breeding ground" ito ng kurapsyon at political dynasties.
Ayon kay Sen. JV Ejercito, Sen. Teofisto Guingona III at Sen. Bam Aquino, sa halip na buwagin, dapat rebisahin ang framework at ayusin ang panuntuan ng SK lalo na sa pananalapi.
Bagama't aminado si Guingona na sa edad 15 hanggang 17-anyos na miyembro ng SK, talagang may kakulangan sila sa kaalaman kaugnay ng pangangasiwa sa pinansyal na aspeto.
Gayunman binigyang diin nina Guingona at Aquino na kailangan ng mga kabataan ng isang institusyon upang marinig ang kanilang mga boses o hinaing.
Kaugnay nito ay maghahain ng isang panukalang batas si Ejercito na naglalayong maisailalim sa reporma ang SK.
Samantala sa loob ng sampung araw na registration, ipatutupad ng Tulunan comelec ang scheduling sa bawat barangay para sa maayos na daloy nang pag paparehistro.
Ngayong araw nakatakda para sa barangay Bituan, Nabundasan at Bagumbayan, bukas July 23- brgy Minapan, New Panay, f. Cajelo, july 24- Sibsib, Banayal, Tambac, July 25-Tuburan, New Caridad, Bunawan, July 26- La Esperanza, Kanibong, Damawato, July 27- Batang, Bacong, G. Baynosa, July 28- Daig, Magbok, Paraiso, July 29- Dongos, Popoyon, Bual, July 30- Lamapagang, New Culasi, Galidan at July 31- Poblacion.
Iginiit naman ng pamunuan ng Comelec Tulunan na ito'y gabay lamang. Maari pa ring pumunta ang mga mag paparehistro sa ano mang araw upang magparehistro alinsunod sa batas.(Ronald padojinog/ GNN news)
North Cotabato Got Talent Aarangkada sa Setyembre; Talent for a cause
LUNGSOD NG KIDAPAWAN, North Cotabato July 22, 2013---Aarangkada ngayong Setyembre ang North Cotabato Got Talent na Ilulunsad ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP North Cotabato hango mula sa Pilipinas Got Talent kung saan naging basehan ang mechanics and guidelines ang SIBSIB Got Talent.
Ayon kay NUJP North Cotabato Pres. Malu CadaliƱa Manar, gagawin ang nasabing aktibidad sa Setyembre a-28 ng taong kasalukuyan.
Nabuo ng grupo ang konseptong talent for a cause para mabigyan ng scholarship ang mga anak ng mga pinatay na mga mamamahayag at upang magkaroon ang NUJP-Cotabato ng emergrncy fund na tutulong sa mga kasapi nito, ito dahil sa karamihan sa mga journalist sa probinsiya ay walang sahod at kung meyron man may ay kakarampot lamang.
Sa kasalukuyan hinihimay himay na ang mechanics at guidelines ng nasabing contest.
Ang nasabing aktibidad ay pinag-usapan sa pagpupulong ng mga kasapi ng NUJP na isinagawa nitong Sabado sa Kidapawan City.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina: Malu Manar, NUJP Pres; Merlyn Aznar ng Mindanao Express,Rhoderick benez ng DXVL radyo ng bayan sa kabacan, April Rose Tantiado at Roviline Rapisura ng English Department, CAS, USM; Leo Varron ng KissFM Midsayap, John Andrew Tabugoc ng DXND Radyo Bida, Jun Jacolbe ng Radyo Natin Kidapawan, Dondon Balacanan ng Freedom FM Makilala, Psalmer Bernarte ang city Information Officer ng Kidapawan at ang inyung lingkod, Ronald Padojinog ng Good News Network Tulunan na inatasan ni Manar na maging over all chairman ng patimpalak. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Ayon kay NUJP North Cotabato Pres. Malu CadaliƱa Manar, gagawin ang nasabing aktibidad sa Setyembre a-28 ng taong kasalukuyan.
Nabuo ng grupo ang konseptong talent for a cause para mabigyan ng scholarship ang mga anak ng mga pinatay na mga mamamahayag at upang magkaroon ang NUJP-Cotabato ng emergrncy fund na tutulong sa mga kasapi nito, ito dahil sa karamihan sa mga journalist sa probinsiya ay walang sahod at kung meyron man may ay kakarampot lamang.
Sa kasalukuyan hinihimay himay na ang mechanics at guidelines ng nasabing contest.
Ang nasabing aktibidad ay pinag-usapan sa pagpupulong ng mga kasapi ng NUJP na isinagawa nitong Sabado sa Kidapawan City.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina: Malu Manar, NUJP Pres; Merlyn Aznar ng Mindanao Express,Rhoderick benez ng DXVL radyo ng bayan sa kabacan, April Rose Tantiado at Roviline Rapisura ng English Department, CAS, USM; Leo Varron ng KissFM Midsayap, John Andrew Tabugoc ng DXND Radyo Bida, Jun Jacolbe ng Radyo Natin Kidapawan, Dondon Balacanan ng Freedom FM Makilala, Psalmer Bernarte ang city Information Officer ng Kidapawan at ang inyung lingkod, Ronald Padojinog ng Good News Network Tulunan na inatasan ni Manar na maging over all chairman ng patimpalak. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Thursday, July 18, 2013
BREAKING NEWS: Brgy. Kagawad sa Damawato, Tulunan, pinatay ng kapitan sa mismong kaarawan nito!
Courtesy: Renz Jordan Abonado/ GNN News |
Sa panayam ng GNN news team sa may bahay ng kagawad, nagkaroon di umano nang kaunting kasayahan sa brgy hall dahil sa kaarawan ng biktima kasabay ng pasasalamat ng council sa mga nagdaan nitong aktibidades.Dagdag pa ni Gng. Supat, di naglaon di umano'y nagkatuwaan na ang mga ito at nauwi sa tila baga kantswaan. Ikinagulat di umano nila ang biglaang pag alis ni Espilita. Agad naman silang pinayuhan ng iba pang mga opisyal na umuwi na at umiwas sa gulo. Iginiit din ng ginang na sinunod nila ang payo ng mga kagawad at dali daling umuwi ang mga ito. Laking pagtataka nalang ng dalawa ng nakitang nilang papalapit ang kapitan sa kanila at tinutukan ang biktima. Kasunod nito'y isang putok na ang kumitil sa buhay ng kagawad.
"Sinubukan pa niyang paputukan ulit pero hindi na pumutok ang baril kung kaya't naitulak ko siya. Napaupo pa siya sa lupa at matagal pang nakabangon" ani Gng. Supat. (pagsasalin mula ilonggo)
Agad naman nilang sinugod sa Sorilla Medical Maternity Clinic and Hospital (SMMC) sa Sibsib ang biktima ngunit dineklara itong dead on arrival ayon sa attending physician. Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kanyang braso na lumusot sa ilalim ng kanyang kilikili patungong dibdib.
Sa ngayon sinusubukan pang kunin ng GNN news team ang panig ni Kapitan Espilita na kasalukuyang nasa Tulunan PNP station habang ginagawa ang ulat na ito.
Maririnig ang kabuuang kwento ng insidente bukas sa GNN ratsada ngayon at Tingog sang Katawhan. (Ronald Padojinog/ GNN News)
Thursday, July 11, 2013
Pinakabagong bakbakan sa Tulunan; 45 basyo ng bala, narekober mula sa NPA!
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 12, 2013---Isa na namang sagupaan ang gumimbal
sa katahimikan ng Tulunan nitong gabi ng miyerkules partikular na sa bayan ng Lampagang at
Tuburan. Dali dali namang rumisponde ang pulisya sa pangunguna ni Tulunan PNP Chief S/Insp
Ronnie Cordero kung saan narekober nila ang 45 basyo ng mga bala ng iba't ibang klase ng
armas mula sa lugar kung saan naka pwesto ang mga rebelde.
Sa exklusibong panayam ng gnn news team kay Cordero sa telepono, inihayag nitong ang
bakbakan di umano ay sa pagitan ng mga hinihinalaang NPA members at ng Armed Forces of
the Philippines (AFP) kasama ang CAFGU na naganap bandang alas 9:40 ng gabi nitong
miyerkules.
Dagdag pa nito nagtagal ang palitan ng putok ng 10 minuto ngunit maya maya pa'y umatras ang
kalaban sa bulubunduking bahagi ng mga barangay. Wala namang naiulat na namatay o
naaksidente sa panig ng militar ngunit inaalam pa kung meron sa mga NPA.
Sa ulat, idinulog ng punong barangay ng Lampagang ang insidente sa pamunuan ng PNP
noong kasagsagan ng gulo.
Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing bakbakan. (Ronald Padojinog/GNN News)
sa katahimikan ng Tulunan nitong gabi ng miyerkules partikular na sa bayan ng Lampagang at
Tuburan. Dali dali namang rumisponde ang pulisya sa pangunguna ni Tulunan PNP Chief S/Insp
Ronnie Cordero kung saan narekober nila ang 45 basyo ng mga bala ng iba't ibang klase ng
armas mula sa lugar kung saan naka pwesto ang mga rebelde.
Sa exklusibong panayam ng gnn news team kay Cordero sa telepono, inihayag nitong ang
bakbakan di umano ay sa pagitan ng mga hinihinalaang NPA members at ng Armed Forces of
the Philippines (AFP) kasama ang CAFGU na naganap bandang alas 9:40 ng gabi nitong
miyerkules.
Dagdag pa nito nagtagal ang palitan ng putok ng 10 minuto ngunit maya maya pa'y umatras ang
kalaban sa bulubunduking bahagi ng mga barangay. Wala namang naiulat na namatay o
naaksidente sa panig ng militar ngunit inaalam pa kung meron sa mga NPA.
Sa ulat, idinulog ng punong barangay ng Lampagang ang insidente sa pamunuan ng PNP
noong kasagsagan ng gulo.
Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing bakbakan. (Ronald Padojinog/GNN News)
"Last Two" pinag-iinitan ng Tulunan PNP
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 12, 2013---Mainit ngayon ang mata ng Tulunan PNP sa talmak na ilegal gambling sa bayan ayon kay SInsp. Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP sa pagpapatuloy nang kanilang inisyatiba upang mapigilan ang naturang masamang gawain tulad na lamang ng last two.
Kaugnay ito sa mga reklamaong natatanggap nang kanilang tanggapan hinggil sa hindi mawala walang sugal.
Dahil dito hinikayat ng opisyal ang publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya upang mabawasan kundi man tuluyan nang matigil ang naturang sugal.
Aminado naman si Cordero na problema di umano nila ang malalayong barangay kung saan mga barangay officials na lamang ang direktang nakikipagtulungan upang makontrol ang operasyon ng "last two."
Pinakahuling nahuli ng PNP ang dalawang usher ng last two sa Barangay Sibsib, Tulunan North Cotabato.
Sa ngayon, walang puknat pa rin ang ginagawang monitoring ng kanyang grupo sa kanilang area of responsibility, ani Cordero.
(SJDuerme/Ronald Padojinog/GNN News)
Kaugnay ito sa mga reklamaong natatanggap nang kanilang tanggapan hinggil sa hindi mawala walang sugal.
Dahil dito hinikayat ng opisyal ang publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya upang mabawasan kundi man tuluyan nang matigil ang naturang sugal.
Aminado naman si Cordero na problema di umano nila ang malalayong barangay kung saan mga barangay officials na lamang ang direktang nakikipagtulungan upang makontrol ang operasyon ng "last two."
Pinakahuling nahuli ng PNP ang dalawang usher ng last two sa Barangay Sibsib, Tulunan North Cotabato.
Sa ngayon, walang puknat pa rin ang ginagawang monitoring ng kanyang grupo sa kanilang area of responsibility, ani Cordero.
(SJDuerme/Ronald Padojinog/GNN News)
BREAKING NEWS: Babaeng kinidnap sa Quezon City hiniling sa mga kidnapers na sa Davao mag bayaran ng ransom, mga tulisan tigbak
LUNGSOD NG DAVAO, July 11, 2013---Isang napakadelikadong taktika kung iisipin ang ginawa ni Sally Chua, biktima ng pangingidnap sa Quezon city matapos nitong hilingin sa mga kidnappers na sa Davao city ito mag wiwithdraw ng 15 milyong pisong ransom bilang kabayaran ng kanyang kalayaan. Ito ang pahayag ni Region 11 police director, Chief Superintendent Jaime Morente matapos ang isang rescue operation kaninang 1:42 ng hapon mismong sa harap ng Allied bank sa davao.
Dagdag pa ni Chua, kampante umano itong sa Davao madadakip ang mga kidnappers. Sa report na nakalap, bago pa man makaalis ang mga kidnappers sa bangko ay naka abang na di umano ang mga police ng davao at metro manila dahilan ng palitan ng putok sa magkabilang panig.
Dalawa ang patay sa mga suspek samantalang isa naman ang nahuli.
Samantala bago pa man nakarating ng Davao ang mga kidnappers at si Chua, ay sumakay di umano ang mga ito
sa Montero SUV via roll on roll off vesel. Sinabi rin ni chua na binook na rin ng mga kidnappers ang kanyang flight pauwi ng manila ngayong araw mismo at binilhan ng mga suha at iba pang prutas bilang pasalubong.
Sa ngayon tinutugis na ng pulisya ang iba pang 11 kasamahan nila na nakapuslit. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Dagdag pa ni Chua, kampante umano itong sa Davao madadakip ang mga kidnappers. Sa report na nakalap, bago pa man makaalis ang mga kidnappers sa bangko ay naka abang na di umano ang mga police ng davao at metro manila dahilan ng palitan ng putok sa magkabilang panig.
Dalawa ang patay sa mga suspek samantalang isa naman ang nahuli.
Samantala bago pa man nakarating ng Davao ang mga kidnappers at si Chua, ay sumakay di umano ang mga ito
sa Montero SUV via roll on roll off vesel. Sinabi rin ni chua na binook na rin ng mga kidnappers ang kanyang flight pauwi ng manila ngayong araw mismo at binilhan ng mga suha at iba pang prutas bilang pasalubong.
Sa ngayon tinutugis na ng pulisya ang iba pang 11 kasamahan nila na nakapuslit. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Wednesday, July 10, 2013
Grade 6 pupil napaluhod sa isang vehicular accident sa Sibsib Central Elementary School
BAYAN NG TULUNAN, North
Cotabato, July 11, 2013---Gasgas sa tuhod ang inabot ng isang grade six pupil
ng Sibsib Central Elementary School na si Kyle Fajanilbo, 12 anyos, matapos
itong masangkot sa isang vehicular accident kahapon ng umaga sa harap mismo ng
paaralan.
Sa report na nakalap ng
gnn news team, napag alamang dakong 6:30 hanggang alas 7:00 ng umaga kahapon
naganap ang aksidente. Gamit ang kanyang bisikleta, sinubukang mag overtake ng
bata sa isang nakaparadang yellow multicab sa kanyang dinadaanan upang
makarating sa mismong entrance gate ng eskwelahan. Tamang tama namang may isa
pang motorsiklong nakasunod sa kaniyang likuran na siya ring nag overtake. Maya
maya pa’y bumulagta na ang bata kabilang ang driver ng motorsiklo maging ang
dalawang pasaherong sakay nito.
Sa imbestigasyon lumabas
na na side swipe ang estudyante.
Sa panayam sa ina ng
bata na si Maria Contessa Fajanilbo, naabutan di umano nitong umiiyak ang
kanyang anak sa Tulio Favali Emergency Hospital sa bayan ng Tulunan dahil sa
kaba at sugat nito. Ayon sa doctor wala namang seryosong injury na natamo si
Kyle maliban sa gasgas sa kanyang tuhod.
Sinagot naman ng driver na nakabundol sa kanya ang lahat ng
gastusin sa ospital.
Sa kabuuan pumayag na
makipag areglo ang ginang. Ayon naman sa bata, hindi na raw ito magbibisikleta
papuntang paaralan.
Nauna nang iminungkahi
ng pamunuan ng paralan ang pagkakaroon ng mga humps sa daanan upang maiwasan
ang mga aksidente ngunit hindi matuloy tuloy sa kadahilanang kabilang umano ang
daanan sa provincial road. Inihahanda na ang request sa provincial government
para sa pagsasakatuparan ng paglalagay ng humps. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Pabuya ipamimigay ng Kidapawan PNP kontra krimen
LUNGSOD NG KIDAPAWAN, North Cotabato, July 11,
2013---Naniniwala si kidapawan City PNP Chief Supt. Leo Ajero na mahihikayat
ang publiko na makiisa sa kanilang laban kontra krimen sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pabuya sa sino mang makakapagturo o makapagbibigay impormasyon
kung nasaan ang mga pinaka wanted na na mga kriminal.
Ito’y kaugnay sa katotohanang hirap silang tukuyin
ang kinaroroonan ng mga ito dahil na rin sa kakulangan ng kooperasyon mula sa
publiko.
Sa oras na maisakatuparan umano ang reward system,
madadagdagan pa ang mga impormanteng tutulong sa pagdakip ng mga most wanted
gaya na lamang nang pagkakahuli sa isang takas sa bilangguan na si Armando
Minoza.
Ilalatag ngayon ni Ajero ang nasabing sistema kay
Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na siya ring chairperson ng Kidapawan
City Peace and Order Council. (RBenez/Ronald Padojinog/ GNN news)
Tuesday, July 9, 2013
Pagpapasabog ng isang tulay sa Maguindanao itinatanggi ng BIFF
BAYAN NG DATU PIANG,
Maguindanao/ July 10, 2013---Itinatanggi ngayon ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters (BIFF) ang akusasyon ng militar na sila ang may kagagawan sa
pagpapasabog ng isang tulay sa Magaslong, Datu Piang, Maguindanao.
Ito’y halos hindi na
mapakinabangan ang kalahating bahagi ng tulay sa di umano itong pasabugan ng BIFF
gamit ang dalawang malalakas na uri ng
improvised explosive device (IED) bandang alas 11:30 ng gabi nitong lunes.
Sa mga naunang report,
inihayag ni 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Col. Dickson Hermoso,
nakapwesto di umano ang mga pampasabog sa ilalim ng tulay dahilan ng pagka sira
nito at kung bakit maliliit na lamang na sasakyan ang pwedeng dumaan dito.
Bawal na rin tumawid ang mga mabibigat at malalaking sasakyan.
Patuloy pa rin naka
heightened alert ang kapulisan at military sa Maguindanao at North Cotabato sa
mga posibleng surpresang pag atake ng BIFF.
Matatandaang
nitong sabado nang binulabog ang buong Maguindanao at North Cotabato matapos
sumiklab ang gulo sa pagitan ng miltar at BIFF kung saan anim nang nasawi sa
kampo ng military at 80 sa BIFF. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Grupo ng Tulunan OFWs nagkakaisa sa Facebook
BANAL NA LUNGSOD NG JERUSALEM, Bansang Israel, July 10,
2013---Ginagamit na rin ngayon ng mga Tulunenseng Overseas Filipino Workers
(OFW) ang kapangyarihan ng number one networking site sa buong mundo na
Facebook upang magkaisa at maisulong ang kapakanan ng mga binansagang bagong
bayani. Kaugnay ito sa pagkakatatag ng Overseas Filipino Workers - Tulunan
Group, isang group page sa facebook na ang mga miyembro ay pawang mga taga
Tulunan na nangibang bansa upang makipagsapalaran.
Sa isang panayam sa chat, sinabi ni Cherie Mae Fogata alyas
Intaw, founder ng grupo na naka base sa Israel, pangunahing layunin ng
organisasyon ang matulungan ang bayan ng Tulunan sa pamamagitan ng pagbibigay
ayuda sa mga pamilyang naiwan ng mga OFW sa bayan na nabiktima ng mga
kalamidad, namatayan, pinauwi o minaltrato ng mga employer, at maging sa kalusugan.
Dagdag pa ni Fogata, nagbibigay din sila ng regalong P5, 400.00 para sa mga
aktibong miyembro o opisyal na magpapakasal.
Iginiit naman nitong may mga batayan ang bawat tulong na
kanilang pinapamahagi sa mga benipisyaryo ng organisasyon gaya ng mga
hinihiling na dokumento bago ang ayuda. Sa katunayan, naka pamahagi na di umano
ng tulong ang grupo sa mga kaanak ng
miyembrong namatayan. Kabilang sa mga nasawi ay sina Lasto Felix ng 125 La
Esperanza, at Don Don Palomo na namatay sa nakaraang gulo sa Maybula, Tulunan.
Naitatag ang grupong ito noong Mayo 14, at magdadalawang buwan
pa lamang ngayong July 14 kung saan meron nang 194 active members sa iba’t
ibang bansa na pinamunuan ng mga opisyal at board of trustees
.
Sa bayan ng Tulunan meron ding katumbas na mga opisyal ang
grupong ito kung saan binubuo naman ng mga representative ng mgha pamilya ng
mga OFWs. Sa July 15, nakatakdang magsumite ang mga ito ng mga requirements sa
DOLE upang maging legal ng organisasyon ang kanilang asosasyon ng nagsimula sa
Facebook. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Ramadan, apektado ng kaguluhan sa North Cotabato at Maguindanao
BAYAN NG DATU PIANG, Maguindanao/ July 10, 2013---Higit na
maapektuhan di umano sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa ilang bahagi ng
Mindanao ang mga sibilyan kabilang na ang mga kapatid na muslim dahil sa
pagsisimula ng ramadan ngayon araw. Ito ay ayon sa panayam ng isang radyo kay
MILF first vice chairman for political affairs Ghadzil Jaafar.
Iginiit nitong hindi magandang mapipilitang mag evacuate ang
mga muslims civilians sa mga apektadong lugar dahil umano magiging inconvenient
sa kanilang panig ang pag aayuno kung kanilang lilisanin ang kanilang mga bahay
at mananatili sa mga evacuation centers.
Sa panayam sa isang residenteng muslim na nagtangging
magpakilala, hindi umano maganda ang mga nangyayaring kaguluhan lalo na sa mga
sibilyan sapagkat posibleng takot at pangamba ang kanilang mararamdaman imbes
na makapag focus sa pagdiriwang ng buwan ng ramadan. Nanawagan din itong matapos
na sana ang kaguluhan na walang naidudulot ng maganda.
Una rito, inamin din ni Jaafar na nadadamay na ang iba nilang
pwersa sa ibang apektadong lugar sa North Cotabato bagay na ikinadidismaya ng
MILF.
Matatandaang hindi umano titigil ang mga militar sa pagtugis
sa BIFF kahit sa buwan ng ramadan.
(Ronald padojinog/ GNN news)
2 Speedboats ng BIFF, pinaliguan ng bala- Mama
BAYAN NG DATU PIANG, Maguindanao/ July 10, 2013---Pinaliguan umano ng mga militar ng bala ang dalawang
speed boats na pag mamay ari ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters
nitong sabado sanhi ng pagsiklab ng kaguluhan sa pagitan nila at ng mga militar.
Ito ay ayon sa pahayag ni Abu Misri Mama, spokeman ng BIFF sa isang panayam sa
radyo.
Dagdag pa nito pinaulanan din umano nila ng bala ang kanilang
mga kasamahan sa Purok Wali sa lalawigan
ng North Cotabato at hindi pa nakontento ang mga ito dahil isinama rin umano
nila sa pag-atake ang sentro ng Datu Piang.
Ngunit sa kabila ng mga pag atake at nangyayaring kaguluhan
wala di umanong namatay o nasugatan man lang sa panig ng BIFF taliwas sa mga
balitang 80 na ang nasawi sa kanila at mahigit 37 sugatan.
Matatandaang marami umano sa mga nasawi sa BIFF ay tinamaan
ng mortar fire at bala ng 105mm howitzer cannon. Bagay na pinabulaanan ni Mama.
Sakali di uamanong may namatay o
mamatay sa kanilang panig, ito’y
kanilang ipagmamalaki sa publiko bilang
isang martir hindi umano katulad ng militar na itinatago ang katotohanan.
Samantala, kinilala na rin ni 6th
Infantry Division chief M/Gen Romeo Gapuz ang mga nasawing sundalo na sina 1Lt
Gerardo Flores, Pfc Rey Arubio at Pfc Jessie Pauig mula sa 68th Infantry
Battalion Phil. Army na tinamaan ng bomba mula sa itinanim ng mga rebelde sa
Brgy Ganta, Sultan Saydona Mustapha, Maguindanao.
Nasawi rin sa labanan sina Pvt Migan
Bello at Pvt Jonathan Mores ng 7th Infantry Battalion na tinambangan ng BIFF sa
Brgy Paidu, Pulangi, Pikit, North Cotabato. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Mga pananim sinalanta ng baha sa Pigcawayan
BAYAN NG PIGCAWAYAN, North Cotabato, July 10, 2013---Hindi pa
rin tiyak ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Pigcawayan, lalawigan ng North
Cotabato ang tamang halaga ng mga pininsalang pananim ng tubig baha bunsod ng
patuloy na pag ulan nitong nakaraang mga araw sa bayan.
Sa impormasyong nakalap mula sa datus ni Pigcawayan Social
Welfare Officer Mariam Joy Quilban, napag alamang apat na barangay ang apektado
kabilang na ang Barangay ng Bulucaon , Datu Mantil , Upper Pangankalan at ang
Lower Pangankalan. Kung saan pinakamatinding tinamaan ng perwisyo ang barangay
ng Bulucaon na may humigit kumulang sa isang libong residenteng nagsilikas.
Dagdag pa ni Quilban, bukod sa mga pananim, 953 pamilya rin
ang apektado na kinabibilangan ng 4,676 na mga residente ng nasabing lugar. Sa
pinakahuling ulat ang mga ito ay nanunuluyan ngayon sa isang evacuation shelter
ng pigkawayan.
Naghahanda na rin ang Pigcawayan
MSWDO para sa mga tulong na iaabot sa mga apektado ng baha. (RBeƱez/BQueman/Ronald
Padojinog, GNN News)
Monday, July 8, 2013
"18 sa mga tauhang nasawi, walang katotohanan" -BIFF
Courtesy of Philstar Ngayon |
(Maguindanao/ July 9, 2013) ---Itinanggi ng taga pagsalita ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na si Abu Misry, na may nakalas sila’ng mga kasama sa pakikipagbakbakan nila noong nakaraang linggo sa tropa ang gubyerno sa North Cotabato at Maguindanao.
Sa panayam, sinabi ni Misry na mga
sibilyan at hindi mga BIFF ang tinamaan
ng mga mortar na pinaulan ng AFP
noong Sabado at Linggo.
Reaksyon ito ni Misry sa mga inilabas na report ng 6th Infantry
Division na umabot sa labing-walo na mga operatiba ng BIFF
ang namatay sa dalawang araw na bakbakan sa Paidu Pulangi
sa Pikit, North Cotabato at Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.
Sa report ni Col. Dickson Hermoso, ang hepe ng Public Affairs Office
ng 6th ID, lima sa mga tauhan nila ang nasawi sa engkwento –
dalawa rito mula sa 57th IB at tatlo mula sa 68th IB.
Pero ang BIFF nagtamo ng mas matinding casualty, ayon kay Hermoso.
Ibinatay ni Hermoso ang kanyang pahayag sa naging report ng
ilang miyembro ng Peace and Order Council ng munisipyo ng
Shariff Saydona Mustapha.
Shariff Saydona Mustapha.
Sa ngayon nasa defensive position ang militar sa kabila nang
nangyaring labanan.
Sinasabing namamayani pa rin ang takot sa libu-libong mga
evacuees na bumalik sa kanilang tahanan dahil nasa paligid lamang
ang mga rebelde.
Samantala, sa ilang media reports umabot umano sa 80 mga
BIFF ang napaulat na binawian ng buhay, pero ang nasabing
balita ay itinanggi naman ng BIFF. (Radyo ng Bayan)
Mambabatas sa Tulunan, napaluha!
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato/ July 9, 2013--- Ikinagulat ng lahat ng mga dumalo sa ika 16 na inagaural
session ng sangguniang bayan ng Tulunan ang biglaang pagluha at balisa ni
re-elected Tulunan Municipal councilor Fabio Lapating. Una’y inakala ng lahat
na na marahil inatake umano ito ng highblood ngunit nananatili itong nakatayo
at nagpatuloy sa kanyang mensahe.
Ayon kay Lapating Masaya lang di umano ito dahil muling
nakabalik sa sangguniang bayan dahil sa tiwala ng taong bayan. Dali dali naman
itong inabutan na tubig upang mapagaan ang loob. Inamin naman nitong hindi naging
biro sa kanya ang nakaraang eleksiyon.
Sa naunang panayam sa ginang ni Lapating, sinabi nitong
noong umpisa ng bilangan di umano’y halos di na sila mapalagay dahil halos ubos
na ang bilangan at di pa rin nakakapasok ang konsehal sa top 8.
Sa exklusibong panayam namna sa konsehal, sinabi nitong lubos
ang kanyang pasasalamat dahil sa muling suporta ng taong bayan at titiyaking di
masasayang ang kanilang suporta. Magiging sentro umano ng kanyang liderato ang
mga insfrastructures at investors para sa lumalagong tulunan.(Ronald Padojinog/ GNN news)
Informal settlers bibigyang pansin ng ABC!
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato/ July 9, 2013---Tututukan ngayon
ng Tulunan Association of Barangay Chairm (ABC) problema sa mga informal
settlers ng bayan. Una na rito ang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng may
higit 25 pamilyang informal settlers at nina Tulunan Municipal Mayor Lani
Candolada kasama si ABC President Joan Villamor at Tulunan DSWD kamakailan.
Sa pagpupulong tiningnan
ang posibilidad na pagpapatayo ng housing projects bilang tugon sa kaawa awang
sitwasyon ng mga settlers. Tinitingnan din maging ang pagkakaroon nila ng
sariling lupain.
Sa exklusibong
panayam ng GNN news team kay Tulunan ABC President Joan Villamor, inihayag
nitong dapat din umanong bigyang pansin ang mga settlers na ito dahil sa sila
ang may mas pangangailngan. Dagdag pa nito, na ang mga settlers ay naghahanap
lamang kung saan saang bakanteng lupa para matirikan ng bahay kung kaya’t
maiging aksiyonan ang kanilang problema lalo pa’t lumalago na umano ang bayan
ng Tulunan.
Iginiit din ni Villamor
na dumidepende pa rin sa pondo ng munisipyo ang magiging aksiyon para sa mga
settlers dahil di umano basta basta ang
pagpapatayo ng nasabing housing.
Samantala, bukod
dito, mas lalo pa umanong pa iigtingin ng ABC President ang pagbabantay sa
peace in order ng bayan, maging nag pagsisiguro na ang mga hinain ng bawat
barangay ay makakarating sa sangguniang bayan bilang representante ng 29 na
barangay ng Tulunan.(Ronald Padojjinog/GNN news)
Thursday, July 4, 2013
Misis na nang-iwan, bangkay ng binalikan ang mister
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 4, 2013---Isang malamig na bangkay
ng kanyang mister ang dinatnan ng isang misis sa barangay Lampagang sa bayan ng
Tulunan Cotabato matapos niya itong iwanan ilang linggo na ang nakararaan.
Nauna nang napabalitang ang kanilang hindi pagkakaintindihan bilang mag asawa,
ang naging mitsa ng pagpapakamatay ni Rexton Macabales, nitong lingo ng gabi.
Nagunitang inihayag ng ina ng nagpatiwakal na hindi na umano
nakayanan ng kanyang anak ang mga pasakit na kanyang dinaranas sa buhay kung
kaya’t nagpaalam ito na wawakasan na niya ang lahat.
Alas sais naman ng umaga nitong lunes nang matagpuang
nakalambitin si Macabales sa puno ng mangga.
Samantala hindi na aabot sa isang linggo ang lamay ni Macabales.
Katwiran ng kanyang kapatid na si Gary Macabales kung saan exclusibong
nakapanayam ng GNN news team, di na umano kailngan pang magtagal ang bangkay ng
kapatid dahil halos lahat naman ng kanilang kapamilya ay nasa malapit na lugar
lamang.
Dagdag pa nito na payo ng kanilang ama, wala daw dapat magpakita ng ano
mang hinanakit ang sino mang miyembro ng kanilang pamilya sa asawa ng kapatid.
Ngunit nmagbabala itong ibang usapin na
di umano ang tungkol sa custodiya ng
mga batang inulila ni Macabales.
Magkakaroon muna ng salu-salo ang pamilya’t mga kaanak ni
Macabales mamayang tanghali bago nila ito ihatid kanyang huling hantungan.(Ronald Padojinog/ GNN news)
Salmorin ng TNHS, tuluyan nang nagretiro
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 4, 2013---Sa edad na 65-anyos nagretiro na si Tulunan National High
School (TNHS) Secondary Principal II Erna Salmorin bilang isang guro sa sekundarya na engrandeng
ginanap sa TNHS activity center nitong Martes.
Bandang alas 7: 30 ng umaga ng sinimulan ang maikling
palatuntunang inihanda bilang pagpupugay sa kontribusyon ni Salmorin sa
larangan ng edukasyon bilang pangalawang ina ng mga estudyante sa paaralan.
Ito’y matapos manilbihan ng humigi’t kumulang 44 na taon sa pamahalaan kung
saan nagsimula ito bilang classroom teacher noong July 7, 1969, naging head
teacher III noong 1984, Secondary principal I noong 1994 at principal II naman
nitong 2010.
Sa panayam ng GGN news kay Tulunan Municipal Councilor
Marichel Amar na naksaksi sa selebrasyon
sinabi nitong walang humpay di
umano ang pasasalamat ng principal sa lahat
ng mga tumulong sa kanyang makamit ang kung ano man ang kanyang natatamasa
ngayon.
Si Salmorin ay tubong Lauan Antique na nagtapos ng kolehiyo
sa lungsod ng Cotabato at dito na tuluyang nagsilbi sa lalawigan.
Nagsidatingan din ang mga kilalang personalidad sa larangan
ng edukasyon at maging sa mundo ng pulitika. Nagtapos naman ang palatuntunan
bandang tanghali sa isang
pagsasalu-salo.(Ronald Padojinog/ GNN news)
Mga plano para sa bayan, ilalatag ngayong araw
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 4, 2013/ 7:00 A.M---Ilalatag na ngayong araw ni Tulunan Municipal Mayor Lani
Candolada ang mga plano nito sa mga kapwa mambabatas ng munisipyo sa ika labing
anim na inaugural session ng sangguniang bayan.
Ngayong araw din nakatakda ang pinakaunang session ng mga ito matapos
ang May 13, 2013 midterm elections. Ang mga inaasahang pag uusapan ngayong araw
ay ang mga aabangan proyekto, programa, at mga polisiyang ipatutupad mula
ngayon hanggang sa 2016.
Magsisimula ang session mamayang alas 10 ng umaga sa sangguniang
bayan session hall ng munisipyo kung saan dadaluhan ng mga datihang konsehal na
sina Marichel Amar, Claire Palma,Jeofre Espanola, Fabio Lapating at bagong
halal na mga opisyal na kinabibilanghan nila reul Limbungan, Richard Dado, Jose
Paja, at Jojo Ortizo. Kabilang din sa session si vice mayor elect Owik
Villamor, bagong ABC president Joel Villamor at SK president Dan Alvin Bajalan..
Magugunitang una ng nangako ang mga opisyales ng LGU noong
lunes na manunungkulan sa ngalan ng bayan kung kaya’t malalaman din mamaya kung ang mga proyektong
pinangako nang mga pulitikong nakaupo ay kasali sa mga programang ilalatag.(Ronald Padojinog/ GNN news)
Tuesday, July 2, 2013
“di tatanggap ng suhol, Maglilingkod ng magalang”- LGU municipal employees
BAYAN NG TULUNAN/ July 03, 2013---Nangako ngayon ang mga kawani ng pamahalaan na hindi sila
tatanggap ng ano mang suhol sa kahit kanino man sa kanilang serbisyo sa
munisipyo ng Tulunan. Sa katatapos lamang na oath taking ceremony na ginanap sa
ABC hall ng bayan nitong lunes, kasama sa kanilang pangako ang paglilingkod din
ng mga ito ng magalang sa mga Tulunense para sa maayos na paglilingkod at
epektibong pamamahala.
Mismong sa pangunguna ni Tulanan Municipal Mayor Lani
Candolada, isinagawa ng mga kawani ng pamahalaan kabilang na ang rural health
unit (RHU), Philippine National Police (PNP), MDRRMC, Bureau of Fire, at iba pang departamento. Ito’y kasabay sa pag upo ng mga bagong halal na mga
opisyales ng bayan.
Pinayuhan naman ni Candolada ang mga empleyado na dapat sa
lahat ng oras di umano ay ang taong bayan ang uunahin. Binigyan diin nito ang
mga empleyadong mas inuuna pa ang pagkain at pakikipag tsismisan kahit meron
pang mga taong dapat pagsilbihan. Dagdag pa aniya, hindi raw dapat magtagal ang
mga empleyado sa mga banyo para makipag chikahan lalo na sa oras ng trabaho.
Umaasa ngayon ang alkalde na magiging maayos ang mga
empleyado ng munisipyo sa panghuli nitong termino at pagbubukas ng nbagong
gawang Tulunan Municipal hall.
Ang milyon-milyong halaga ng municipal hall ay naturn-over na
rin sa LGU nitong nakaraang lunes at inaasahang magiging bukas na sa taong
bayan sa lalong madaling panahon.
Sa pagbisita ng GNN news team sa nasabing munisipyo, interior
arrangement na lamang ang kulang gaya ng mga furnitures, aircon at mga office
supplies upang mabuksan na ng tuluyan ang bahay pamahalaan ng Tulunan. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Monday, July 1, 2013
Palitan ng putok sa isang banana plantation sa barangay Dungos, di konektado sa kaguluhan ng tri-boundary sa Tulunan-PNP
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato/ July 2, 2013---Pinabulaanan ngayon ni Tulunan Philippine National Police
(PNP) Chief Cordero ang agam agam na
konektado di umano ang nangyaring palitan ng putok sa isang banana plantation
sa barangay Dungos sa isyu ng tri-boundary conflict sa bayan ng Tulunan.
Iginiit nitong nasa peaceful situation na sa ngayon ang human conflict sa
Maybula, Columbio at Datu Paglas.
Inihayag ni Cordero sa GNN news na patuloy pa rin ang kanilang
imbestigasyon kung ano ang tunay na motibo nang mga di pa nakikilalang mga
suspect. Tinitingnan naman nila ang anggulo ng mga di pagkakaunawaan ng mga
dating security guards at ng pamunuan ng RNF banana plantation.
Binulabog ang mga residente ng Dungos ganun din ang mga
karatig barangay dahil sa lakas ng mga palitan ng putok bandang alas 10:30
kagabi na nagtagal di umano na limang minuto. Sa inisyal na imbestigasyon,
sinamantala di umano ng mga suspek ang dilim ng paligid kung saan nakatago ang
mga ito, ngumit di naglaon ay umatras din ang mga di pa nakikilalang mga
armado. Wala namang nasawi o nasugatan sa nasabing putukan.
Pinaaalalahanan din ng hepe ang mga residente na maging
vigilante at agad ipaalam sa hotline ng PNP 09189632696 ang mga hindi kanais
nais na mga napapansin sa paligid. (Ronald Padojinog/ GNN news)
“No mining policy” sa bayan ng Tulunan, isusulong ng isang halal na opisyal
BAYAN NG TULUNAN, North, Cotabato/ July 2, 2013---Mahigpit
na tututulan ni number one Tulunan municipal councilor-elect Reuel Pipip Limbungan
ang posibilidad na pagpasok ng mga large scale mining sa bayan. Matapos
makitaan ng potential ang bayan ng Tulunan na posibleng maging target ng mga
minahan.
Sa panayam kay Limbungan kahapon sa ginanap na oath taking
ceremony sa ABC Hall ng munisipyo, iginiit nitong matindi ang pinsalang
maidudulot ng large scale mining sa pagkasira ng kabukiran nang bayan.Matindi
din umano ang maidudulot nito na kalamidad gaya ng mga pagbaha. Dagdag pa nito
na marami na di umanong mga pagbahang nagaganap sa bayan kung kaya’t di na
dapat ito madadagdagan. Samantala sinabi naman nitong wala naman siyang nakikitang
problema sa mga small scale mining lalo’t nakagisnan na ito ng mga kababayang
tulunense.
Sa larangan naman ng libreng edukasyon na ipinangako ng
konsehal, ipinaliwanag nitong institutionalized di umano ang scholarship kung saan
isusulong pa sa sangunniang bayan at inaasahan namang papaboran. Una nang
napabalita ang pamamahagi nito ng 500 bags sa mga kabataang estudyante sa isang
barangay ng Tulunan.
Nagpasalamat naman si Limbungan sa taos pusong suporta ng mga
tao sa kanya nitong nakalipas na halalan. Matatandaang ang konsehal ang nanguna
sa botohan na nakakuha ng humigit kumulang 13, 000 votes sa kabuuan. Inamin
naman nitong mas lalo siyang na pressure dahil dito.(Ronald Padojinog/ GNN news)
Lalaki sa Tulunan, nagbigti dahil sa pag-ibig, patay!
BAYAN NG TULUNAN, North, Cotabato/ July 2, 2013--- Nangingitim
na ang balat at tirik pa ang mga mata ng isang bangkay ng lalaki sa barangay
Lampagang bayan ng Tulunan, Cotabato. Matapos itong nagpatiwarik at natagpuan
ng isang brgy. Kagawad na nakalambitin sa punong mangga bandang alas 6 ng umaga
kahapon. Ginamit di umano ng biktima ang tali ng kalabaw at nagbigti dahilan ng
kanyang kamatayan.
Sa isang panayam sa ina nang biktima at kasama nito na
residente ng barangay, inamin nitong noong gabi ng lingo ay nag paalam di umano
ang anak nitong si Rexton Macabales, na magpapatiwakal dahil sa bigat ng
problemang dinadala. Dagdag pa ng ina
nito na hindi niya inaakalang patotohanan ni Macabales ang kaniyang banta, kung
kaya’t pinayuhan lamang di umano niya ang anak na h’wag nang umalis ng bahay.
Laking gulat na lamang ng ina nito, na hindi na umuwi ang anak at kahapon ng umaga nga’y malamig nang bangkay
si Macabales.
Sa kwento pa ng ina sa gnn news team sinabi nitong dahilan
umano ng pagpapakamatay ng anak ay ang paghihiwalay nila ng kaniyang asawa may
isang buwan na ang nakalilipas. May mga hindi umano pagkakaintindihan ang mag
asawa na nauwi sa hiwalayan.
Ayon naman sa isa sa mga tumulong sa pagkuha na bangkay na
tumangging magbigay ng pangalan, lasing pa di umano ang biktima nang isinagawa
ang insidente.
Iniwan naman ni Macabales ang tatlo nitong anak kung saan
anim na taong gulang pa lamang ang pinakamatanda sa mga ito. Agad namang
pinaalam ng pamilya ng biktima ang sinapit nito sa kanyang asawa.(Ronald Padojinog/ GNN news)
Gob. Lala Nanumpa na sa kanyang pangalawang termino; Tagumpay ng lalawigan sa Disaster Preparedness, inanunsiyo!
BAYAN NG KIDAPAWAN, North, Cotabato/ July 2, 2013---Nanumpa
na sa kanyang pangalawang termino bilang halal na goberndora si 2nd
termer North Cotabato Governor –elect Emmylou “lala” Talino Mendoza noong
biyernes sa harap ni Regional Trial Court Judge Arvin Balagot at libo-libong
taong bayan na nanggaling pa sa iba’t ibang parte ng lalawigan.
Kasabay ang iba pang mga halal na opisyal ng lalawigan
nangako ito sa sambayanang Cotabateno na gagampanan niya ng taos puso ang
tiwalang pinagkaloob ng publiko sa pangalawang pagkakataon.
Sa kasagsagan ng kanyang inaugural speech, pinayuhan ni
Mendoza ang mga kapawa niya pulitiko at empleyado ng gobyerno sa kani kanilang
responsibilidad at accountability bilang kawani ng pamahalaan. Dagdag pa nitong
hindi biro ang kanilang pinasukan dahil katumbas nito ang serbisyong totoo.
Ipinagmamalaki naman ng gobernadora ang tagumpay ng North
Cotabato bilang winner sa rehiyon sa larangan ng disaster preparedness program.
Hudyat di umano ito na nasa tuwid na landas at tama ang mga programang
pinapatupad. Ito’y matapos matatandaang inulan ng mga pag subok ang lalawigan
nitong mga nakaraang lingo bunsod ng mga pagbaha, lindol at maging human
conflict war.
Ang patimpalak ay region wide kung saan sinalihan ng mga
probinsiya ng North Cotabato, South Cotabato , Saranggani at Sultan Kudarat,
Ngayong buwan ng hulyo naman ipinagdidiriwang ng buong bansa
ang disater prevention month. (Ronald Padojinog/ GNN news)
Bagong barangay kapitan ng Kanibong Pedro Vicente, Suportado ng mga kabarangay!
Suportado ngayon ng kanyang mga ka barangay ang bagong kapitan ng barangay Kanibong, Tulunan, sa lalawigan ng North Cotabato. Ito'y makaraang taos pusong tinanggap ni brgy. Kanibong first kagawad Pedro Vicente ang posisyon matapos ipasa ito sa kanya ni outgoing kanibong chairman at incoming regular sangguniang bayan (SB) member Richard Dado matapos siyang mahalal bilang pang apat na councilor ng munisipyo.
Sa ginawang turn-over ceremony kamakalwa sa brgy hall nang nabanggit na barangay, sinabi ni Vicente na gagawin di umano nito ang lahat upang ipagpatuloy ang nasimulan ni Dado tungo sa patuloy na pag-unlad ng lumalagaong barangay. Suportado rin ito ng kanyang mga kasamahan sa council.
Samantala, sa mensaheng pinarating ni Dado sa kanyang kabarangay, lubos itong nagpapasalamat sa mga tumulong sa kanya noong kasgsagan ng kanyang pagiging kapitan gaya na lamang ng mga sitio, purok leaders, at mga former officials ng Kanibong na siyang nagbigay naman ng ayuda at suporta sa kanyang administrasyon.
Nagtapos ang palatuntunan sa pamamagitan nang isang salu-salo at pamamahagi ng mga dry goods na dinaan sa raffle promo bagay na mas lalong ikinatuwa nng mga nagsidalo.
Matatandaang si Dado ay pasok sa top 8 circle ng mga konsehal ng bayan ng Tulunan sa katatapos na May 13, 2013 elections. Ngayong araw naman siya uupo bilang SB member ng munisipyo.
(Ronald Padojinog with Kenneth Lerdon/ GNN Neews)
Subscribe to:
Posts (Atom)