BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato/ July 2, 2013---Pinabulaanan ngayon ni Tulunan Philippine National Police
(PNP) Chief Cordero ang agam agam na
konektado di umano ang nangyaring palitan ng putok sa isang banana plantation
sa barangay Dungos sa isyu ng tri-boundary conflict sa bayan ng Tulunan.
Iginiit nitong nasa peaceful situation na sa ngayon ang human conflict sa
Maybula, Columbio at Datu Paglas.
Inihayag ni Cordero sa GNN news na patuloy pa rin ang kanilang
imbestigasyon kung ano ang tunay na motibo nang mga di pa nakikilalang mga
suspect. Tinitingnan naman nila ang anggulo ng mga di pagkakaunawaan ng mga
dating security guards at ng pamunuan ng RNF banana plantation.
Binulabog ang mga residente ng Dungos ganun din ang mga
karatig barangay dahil sa lakas ng mga palitan ng putok bandang alas 10:30
kagabi na nagtagal di umano na limang minuto. Sa inisyal na imbestigasyon,
sinamantala di umano ng mga suspek ang dilim ng paligid kung saan nakatago ang
mga ito, ngumit di naglaon ay umatras din ang mga di pa nakikilalang mga
armado. Wala namang nasawi o nasugatan sa nasabing putukan.
Pinaaalalahanan din ng hepe ang mga residente na maging
vigilante at agad ipaalam sa hotline ng PNP 09189632696 ang mga hindi kanais
nais na mga napapansin sa paligid. (Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment