BAYAN NG TULUNAN/ July 03, 2013---Nangako ngayon ang mga kawani ng pamahalaan na hindi sila
tatanggap ng ano mang suhol sa kahit kanino man sa kanilang serbisyo sa
munisipyo ng Tulunan. Sa katatapos lamang na oath taking ceremony na ginanap sa
ABC hall ng bayan nitong lunes, kasama sa kanilang pangako ang paglilingkod din
ng mga ito ng magalang sa mga Tulunense para sa maayos na paglilingkod at
epektibong pamamahala.
Mismong sa pangunguna ni Tulanan Municipal Mayor Lani
Candolada, isinagawa ng mga kawani ng pamahalaan kabilang na ang rural health
unit (RHU), Philippine National Police (PNP), MDRRMC, Bureau of Fire, at iba pang departamento. Ito’y kasabay sa pag upo ng mga bagong halal na mga
opisyales ng bayan.
Pinayuhan naman ni Candolada ang mga empleyado na dapat sa
lahat ng oras di umano ay ang taong bayan ang uunahin. Binigyan diin nito ang
mga empleyadong mas inuuna pa ang pagkain at pakikipag tsismisan kahit meron
pang mga taong dapat pagsilbihan. Dagdag pa aniya, hindi raw dapat magtagal ang
mga empleyado sa mga banyo para makipag chikahan lalo na sa oras ng trabaho.
Umaasa ngayon ang alkalde na magiging maayos ang mga
empleyado ng munisipyo sa panghuli nitong termino at pagbubukas ng nbagong
gawang Tulunan Municipal hall.
Ang milyon-milyong halaga ng municipal hall ay naturn-over na
rin sa LGU nitong nakaraang lunes at inaasahang magiging bukas na sa taong
bayan sa lalong madaling panahon.
Sa pagbisita ng GNN news team sa nasabing munisipyo, interior
arrangement na lamang ang kulang gaya ng mga furnitures, aircon at mga office
supplies upang mabuksan na ng tuluyan ang bahay pamahalaan ng Tulunan. (Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment