BAYAN NG DATU PIANG, Maguindanao/ July 10, 2013---Higit na
maapektuhan di umano sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa ilang bahagi ng
Mindanao ang mga sibilyan kabilang na ang mga kapatid na muslim dahil sa
pagsisimula ng ramadan ngayon araw. Ito ay ayon sa panayam ng isang radyo kay
MILF first vice chairman for political affairs Ghadzil Jaafar.
Iginiit nitong hindi magandang mapipilitang mag evacuate ang
mga muslims civilians sa mga apektadong lugar dahil umano magiging inconvenient
sa kanilang panig ang pag aayuno kung kanilang lilisanin ang kanilang mga bahay
at mananatili sa mga evacuation centers.
Sa panayam sa isang residenteng muslim na nagtangging
magpakilala, hindi umano maganda ang mga nangyayaring kaguluhan lalo na sa mga
sibilyan sapagkat posibleng takot at pangamba ang kanilang mararamdaman imbes
na makapag focus sa pagdiriwang ng buwan ng ramadan. Nanawagan din itong matapos
na sana ang kaguluhan na walang naidudulot ng maganda.
Una rito, inamin din ni Jaafar na nadadamay na ang iba nilang
pwersa sa ibang apektadong lugar sa North Cotabato bagay na ikinadidismaya ng
MILF.
Matatandaang hindi umano titigil ang mga militar sa pagtugis
sa BIFF kahit sa buwan ng ramadan.
(Ronald padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment