BAYAN NG PIGCAWAYAN, North Cotabato, July 10, 2013---Hindi pa
rin tiyak ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Pigcawayan, lalawigan ng North
Cotabato ang tamang halaga ng mga pininsalang pananim ng tubig baha bunsod ng
patuloy na pag ulan nitong nakaraang mga araw sa bayan.
Sa impormasyong nakalap mula sa datus ni Pigcawayan Social
Welfare Officer Mariam Joy Quilban, napag alamang apat na barangay ang apektado
kabilang na ang Barangay ng Bulucaon , Datu Mantil , Upper Pangankalan at ang
Lower Pangankalan. Kung saan pinakamatinding tinamaan ng perwisyo ang barangay
ng Bulucaon na may humigit kumulang sa isang libong residenteng nagsilikas.
Dagdag pa ni Quilban, bukod sa mga pananim, 953 pamilya rin
ang apektado na kinabibilangan ng 4,676 na mga residente ng nasabing lugar. Sa
pinakahuling ulat ang mga ito ay nanunuluyan ngayon sa isang evacuation shelter
ng pigkawayan.
Naghahanda na rin ang Pigcawayan
MSWDO para sa mga tulong na iaabot sa mga apektado ng baha. (RBeƱez/BQueman/Ronald
Padojinog, GNN News)
No comments:
Post a Comment