BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 4, 2013/ 7:00 A.M---Ilalatag na ngayong araw ni Tulunan Municipal Mayor Lani
Candolada ang mga plano nito sa mga kapwa mambabatas ng munisipyo sa ika labing
anim na inaugural session ng sangguniang bayan.
Ngayong araw din nakatakda ang pinakaunang session ng mga ito matapos
ang May 13, 2013 midterm elections. Ang mga inaasahang pag uusapan ngayong araw
ay ang mga aabangan proyekto, programa, at mga polisiyang ipatutupad mula
ngayon hanggang sa 2016.
Magsisimula ang session mamayang alas 10 ng umaga sa sangguniang
bayan session hall ng munisipyo kung saan dadaluhan ng mga datihang konsehal na
sina Marichel Amar, Claire Palma,Jeofre Espanola, Fabio Lapating at bagong
halal na mga opisyal na kinabibilanghan nila reul Limbungan, Richard Dado, Jose
Paja, at Jojo Ortizo. Kabilang din sa session si vice mayor elect Owik
Villamor, bagong ABC president Joel Villamor at SK president Dan Alvin Bajalan..
Magugunitang una ng nangako ang mga opisyales ng LGU noong
lunes na manunungkulan sa ngalan ng bayan kung kaya’t malalaman din mamaya kung ang mga proyektong
pinangako nang mga pulitikong nakaupo ay kasali sa mga programang ilalatag.(Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment