BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato/ July 9, 2013---Tututukan ngayon
ng Tulunan Association of Barangay Chairm (ABC) problema sa mga informal
settlers ng bayan. Una na rito ang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng may
higit 25 pamilyang informal settlers at nina Tulunan Municipal Mayor Lani
Candolada kasama si ABC President Joan Villamor at Tulunan DSWD kamakailan.
Sa pagpupulong tiningnan
ang posibilidad na pagpapatayo ng housing projects bilang tugon sa kaawa awang
sitwasyon ng mga settlers. Tinitingnan din maging ang pagkakaroon nila ng
sariling lupain.
Sa exklusibong
panayam ng GNN news team kay Tulunan ABC President Joan Villamor, inihayag
nitong dapat din umanong bigyang pansin ang mga settlers na ito dahil sa sila
ang may mas pangangailngan. Dagdag pa nito, na ang mga settlers ay naghahanap
lamang kung saan saang bakanteng lupa para matirikan ng bahay kung kaya’t
maiging aksiyonan ang kanilang problema lalo pa’t lumalago na umano ang bayan
ng Tulunan.
Iginiit din ni Villamor
na dumidepende pa rin sa pondo ng munisipyo ang magiging aksiyon para sa mga
settlers dahil di umano basta basta ang
pagpapatayo ng nasabing housing.
Samantala, bukod
dito, mas lalo pa umanong pa iigtingin ng ABC President ang pagbabantay sa
peace in order ng bayan, maging nag pagsisiguro na ang mga hinain ng bawat
barangay ay makakarating sa sangguniang bayan bilang representante ng 29 na
barangay ng Tulunan.(Ronald Padojjinog/GNN news)
No comments:
Post a Comment