BAYAN NG TULUNAN, North, Cotabato/ July 2, 2013---Mahigpit
na tututulan ni number one Tulunan municipal councilor-elect Reuel Pipip Limbungan
ang posibilidad na pagpasok ng mga large scale mining sa bayan. Matapos
makitaan ng potential ang bayan ng Tulunan na posibleng maging target ng mga
minahan.
Sa panayam kay Limbungan kahapon sa ginanap na oath taking
ceremony sa ABC Hall ng munisipyo, iginiit nitong matindi ang pinsalang
maidudulot ng large scale mining sa pagkasira ng kabukiran nang bayan.Matindi
din umano ang maidudulot nito na kalamidad gaya ng mga pagbaha. Dagdag pa nito
na marami na di umanong mga pagbahang nagaganap sa bayan kung kaya’t di na
dapat ito madadagdagan. Samantala sinabi naman nitong wala naman siyang nakikitang
problema sa mga small scale mining lalo’t nakagisnan na ito ng mga kababayang
tulunense.
Sa larangan naman ng libreng edukasyon na ipinangako ng
konsehal, ipinaliwanag nitong institutionalized di umano ang scholarship kung saan
isusulong pa sa sangunniang bayan at inaasahan namang papaboran. Una nang
napabalita ang pamamahagi nito ng 500 bags sa mga kabataang estudyante sa isang
barangay ng Tulunan.
Nagpasalamat naman si Limbungan sa taos pusong suporta ng mga
tao sa kanya nitong nakalipas na halalan. Matatandaang ang konsehal ang nanguna
sa botohan na nakakuha ng humigit kumulang 13, 000 votes sa kabuuan. Inamin
naman nitong mas lalo siyang na pressure dahil dito.(Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment