BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 22, 2013---Sisimulan na ngayong araw, July 22, ng Commission on Elections (Comelec) ang voters' registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gaganapin sa Oktubre 28.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tatagal ng 10 araw ang registration period na magtatapos ng July 31.
Tinukoy pa ng opisyal na kahit weekend ay bukas ang registration period lalo na para sa mga estudyante na may pasok tuwing weekdays.
Una rito, tutol ang ilang senador sa pagbuwag ng SK sa harap ng mga isyu na nagiging "breeding ground" ito ng kurapsyon at political dynasties.
Ayon kay Sen. JV Ejercito, Sen. Teofisto Guingona III at Sen. Bam Aquino, sa halip na buwagin, dapat rebisahin ang framework at ayusin ang panuntuan ng SK lalo na sa pananalapi.
Bagama't aminado si Guingona na sa edad 15 hanggang 17-anyos na miyembro ng SK, talagang may kakulangan sila sa kaalaman kaugnay ng pangangasiwa sa pinansyal na aspeto.
Gayunman binigyang diin nina Guingona at Aquino na kailangan ng mga kabataan ng isang institusyon upang marinig ang kanilang mga boses o hinaing.
Kaugnay nito ay maghahain ng isang panukalang batas si Ejercito na naglalayong maisailalim sa reporma ang SK.
Samantala sa loob ng sampung araw na registration, ipatutupad ng Tulunan comelec ang scheduling sa bawat barangay para sa maayos na daloy nang pag paparehistro.
Ngayong araw nakatakda para sa barangay Bituan, Nabundasan at Bagumbayan, bukas July 23- brgy Minapan, New Panay, f. Cajelo, july 24- Sibsib, Banayal, Tambac, July 25-Tuburan, New Caridad, Bunawan, July 26- La Esperanza, Kanibong, Damawato, July 27- Batang, Bacong, G. Baynosa, July 28- Daig, Magbok, Paraiso, July 29- Dongos, Popoyon, Bual, July 30- Lamapagang, New Culasi, Galidan at July 31- Poblacion.
Iginiit naman ng pamunuan ng Comelec Tulunan na ito'y gabay lamang. Maari pa ring pumunta ang mga mag paparehistro sa ano mang araw upang magparehistro alinsunod sa batas.(Ronald padojinog/ GNN news)
News. Travel and Leisure. Love-Sex-Advises. How To.
NEWS. TRAVEL & LEISURE. LOVE-SEX-FAMILY-ADVISES. ENTERTAINMENT. HEALTH. THINGS TO KNOW.
"If you wonder, go wander; If you wander, you will wonder."An independent news and info- blog for everyone wondering and wandering!
Please feel free to leave your views and opinions about any post in this blog. Your insights are most welcome.
____________________________________________________________________________________________________________________
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment