BAYAN NG DATU PIANG, Maguindanao/ July 10, 2013---Pinaliguan umano ng mga militar ng bala ang dalawang
speed boats na pag mamay ari ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters
nitong sabado sanhi ng pagsiklab ng kaguluhan sa pagitan nila at ng mga militar.
Ito ay ayon sa pahayag ni Abu Misri Mama, spokeman ng BIFF sa isang panayam sa
radyo.
Dagdag pa nito pinaulanan din umano nila ng bala ang kanilang
mga kasamahan sa Purok Wali sa lalawigan
ng North Cotabato at hindi pa nakontento ang mga ito dahil isinama rin umano
nila sa pag-atake ang sentro ng Datu Piang.
Ngunit sa kabila ng mga pag atake at nangyayaring kaguluhan
wala di umanong namatay o nasugatan man lang sa panig ng BIFF taliwas sa mga
balitang 80 na ang nasawi sa kanila at mahigit 37 sugatan.
Matatandaang marami umano sa mga nasawi sa BIFF ay tinamaan
ng mortar fire at bala ng 105mm howitzer cannon. Bagay na pinabulaanan ni Mama.
Sakali di uamanong may namatay o
mamatay sa kanilang panig, ito’y
kanilang ipagmamalaki sa publiko bilang
isang martir hindi umano katulad ng militar na itinatago ang katotohanan.
Samantala, kinilala na rin ni 6th
Infantry Division chief M/Gen Romeo Gapuz ang mga nasawing sundalo na sina 1Lt
Gerardo Flores, Pfc Rey Arubio at Pfc Jessie Pauig mula sa 68th Infantry
Battalion Phil. Army na tinamaan ng bomba mula sa itinanim ng mga rebelde sa
Brgy Ganta, Sultan Saydona Mustapha, Maguindanao.
Nasawi rin sa labanan sina Pvt Migan
Bello at Pvt Jonathan Mores ng 7th Infantry Battalion na tinambangan ng BIFF sa
Brgy Paidu, Pulangi, Pikit, North Cotabato. (Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment