BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 4, 2013---Sa edad na 65-anyos nagretiro na si Tulunan National High
School (TNHS) Secondary Principal II Erna Salmorin bilang isang guro sa sekundarya na engrandeng
ginanap sa TNHS activity center nitong Martes.
Bandang alas 7: 30 ng umaga ng sinimulan ang maikling
palatuntunang inihanda bilang pagpupugay sa kontribusyon ni Salmorin sa
larangan ng edukasyon bilang pangalawang ina ng mga estudyante sa paaralan.
Ito’y matapos manilbihan ng humigi’t kumulang 44 na taon sa pamahalaan kung
saan nagsimula ito bilang classroom teacher noong July 7, 1969, naging head
teacher III noong 1984, Secondary principal I noong 1994 at principal II naman
nitong 2010.
Sa panayam ng GGN news kay Tulunan Municipal Councilor
Marichel Amar na naksaksi sa selebrasyon
sinabi nitong walang humpay di
umano ang pasasalamat ng principal sa lahat
ng mga tumulong sa kanyang makamit ang kung ano man ang kanyang natatamasa
ngayon.
Si Salmorin ay tubong Lauan Antique na nagtapos ng kolehiyo
sa lungsod ng Cotabato at dito na tuluyang nagsilbi sa lalawigan.
Nagsidatingan din ang mga kilalang personalidad sa larangan
ng edukasyon at maging sa mundo ng pulitika. Nagtapos naman ang palatuntunan
bandang tanghali sa isang
pagsasalu-salo.(Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment