BAYAN NG TULUNAN, North
Cotabato, July 11, 2013---Gasgas sa tuhod ang inabot ng isang grade six pupil
ng Sibsib Central Elementary School na si Kyle Fajanilbo, 12 anyos, matapos
itong masangkot sa isang vehicular accident kahapon ng umaga sa harap mismo ng
paaralan.
Sa report na nakalap ng
gnn news team, napag alamang dakong 6:30 hanggang alas 7:00 ng umaga kahapon
naganap ang aksidente. Gamit ang kanyang bisikleta, sinubukang mag overtake ng
bata sa isang nakaparadang yellow multicab sa kanyang dinadaanan upang
makarating sa mismong entrance gate ng eskwelahan. Tamang tama namang may isa
pang motorsiklong nakasunod sa kaniyang likuran na siya ring nag overtake. Maya
maya pa’y bumulagta na ang bata kabilang ang driver ng motorsiklo maging ang
dalawang pasaherong sakay nito.
Sa imbestigasyon lumabas
na na side swipe ang estudyante.
Sa panayam sa ina ng
bata na si Maria Contessa Fajanilbo, naabutan di umano nitong umiiyak ang
kanyang anak sa Tulio Favali Emergency Hospital sa bayan ng Tulunan dahil sa
kaba at sugat nito. Ayon sa doctor wala namang seryosong injury na natamo si
Kyle maliban sa gasgas sa kanyang tuhod.
Sinagot naman ng driver na nakabundol sa kanya ang lahat ng
gastusin sa ospital.
Sa kabuuan pumayag na
makipag areglo ang ginang. Ayon naman sa bata, hindi na raw ito magbibisikleta
papuntang paaralan.
Nauna nang iminungkahi
ng pamunuan ng paralan ang pagkakaroon ng mga humps sa daanan upang maiwasan
ang mga aksidente ngunit hindi matuloy tuloy sa kadahilanang kabilang umano ang
daanan sa provincial road. Inihahanda na ang request sa provincial government
para sa pagsasakatuparan ng paglalagay ng humps. (Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment