BAYAN NG DATU PIANG,
Maguindanao/ July 10, 2013---Itinatanggi ngayon ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters (BIFF) ang akusasyon ng militar na sila ang may kagagawan sa
pagpapasabog ng isang tulay sa Magaslong, Datu Piang, Maguindanao.
Ito’y halos hindi na
mapakinabangan ang kalahating bahagi ng tulay sa di umano itong pasabugan ng BIFF
gamit ang dalawang malalakas na uri ng
improvised explosive device (IED) bandang alas 11:30 ng gabi nitong lunes.
Sa mga naunang report,
inihayag ni 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Col. Dickson Hermoso,
nakapwesto di umano ang mga pampasabog sa ilalim ng tulay dahilan ng pagka sira
nito at kung bakit maliliit na lamang na sasakyan ang pwedeng dumaan dito.
Bawal na rin tumawid ang mga mabibigat at malalaking sasakyan.
Patuloy pa rin naka
heightened alert ang kapulisan at military sa Maguindanao at North Cotabato sa
mga posibleng surpresang pag atake ng BIFF.
Matatandaang
nitong sabado nang binulabog ang buong Maguindanao at North Cotabato matapos
sumiklab ang gulo sa pagitan ng miltar at BIFF kung saan anim nang nasawi sa
kampo ng military at 80 sa BIFF. (Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment