BAYAN NG KIDAPAWAN, North, Cotabato/ July 2, 2013---Nanumpa
na sa kanyang pangalawang termino bilang halal na goberndora si 2nd
termer North Cotabato Governor –elect Emmylou “lala” Talino Mendoza noong
biyernes sa harap ni Regional Trial Court Judge Arvin Balagot at libo-libong
taong bayan na nanggaling pa sa iba’t ibang parte ng lalawigan.
Kasabay ang iba pang mga halal na opisyal ng lalawigan
nangako ito sa sambayanang Cotabateno na gagampanan niya ng taos puso ang
tiwalang pinagkaloob ng publiko sa pangalawang pagkakataon.
Sa kasagsagan ng kanyang inaugural speech, pinayuhan ni
Mendoza ang mga kapawa niya pulitiko at empleyado ng gobyerno sa kani kanilang
responsibilidad at accountability bilang kawani ng pamahalaan. Dagdag pa nitong
hindi biro ang kanilang pinasukan dahil katumbas nito ang serbisyong totoo.
Ipinagmamalaki naman ng gobernadora ang tagumpay ng North
Cotabato bilang winner sa rehiyon sa larangan ng disaster preparedness program.
Hudyat di umano ito na nasa tuwid na landas at tama ang mga programang
pinapatupad. Ito’y matapos matatandaang inulan ng mga pag subok ang lalawigan
nitong mga nakaraang lingo bunsod ng mga pagbaha, lindol at maging human
conflict war.
Ang patimpalak ay region wide kung saan sinalihan ng mga
probinsiya ng North Cotabato, South Cotabato , Saranggani at Sultan Kudarat,
Ngayong buwan ng hulyo naman ipinagdidiriwang ng buong bansa
ang disater prevention month. (Ronald Padojinog/ GNN news)
No comments:
Post a Comment