News. Travel and Leisure. Love-Sex-Advises. How To.

NEWS. TRAVEL & LEISURE. LOVE-SEX-FAMILY-ADVISES. ENTERTAINMENT. HEALTH. THINGS TO KNOW.

"If you wonder, go wander; If you wander, you will wonder."An independent news and info- blog for everyone wondering and wandering!
Please feel free to leave your views and opinions about any post in this blog. Your insights are most welcome.
____________________________________________________________________________________________________________________

Friday, December 13, 2013

Mga batang nangangaroling nakakita ng kaluluwa, 3 hinimatay

TULUNAN, FRIDAY, DEC 13, 2013--Sabay sabay na nagsidatingan ang humigit kumulang 14 na mga bata sakay sa isang emergency multi cab sa isang pagamutan matapos himatayin ang tatlo sa kanilang mga kasamahan sa pangangaroling ngayong Gabi lamang.

Sa kwento ng isa sa mga bata, nakakita di umano ng kaluluwa ng isang babae ang isa sa mga hinimatay na kinilala sa pangalang Samantha. dagdag pa nito, agad di umanong nagdesisyon si Samantha na siya ay magpapasagasa sa sasakyan na siya namang pigil ng lahat. Makaraan ang ilang minuto ay isa isa nang hinimatay ang tatlo sa mga ito kabilang si Samantha.

Napa alamang nasa 8 hanggang 12 taong gulang ang mga bata na magkaklase at residents ng barangay bual, tulunan.

Maswerte namang maraming tao at may mga tanod ng barangay sibsib na naka patrolya kaya naagapan ang mga ito.

Mismong si brgy sibsib chairman Joemar Almirante pa ang nagmneho ng multi cab na sinakyan ng mga bata patungong hospital.

sa ngayon maayos na ang lagay ng mga bata at hinihintay na lamang sunduin ito ng kani kanilang mga magulang.


Palaisipan naman ngayon sa mga rresidenteng nakasaksi kung to too ang mga nabanggit ng mga bata. (RONALD PADOJINOG GNN NEWS)

Thursday, November 21, 2013

New Bunawan Elementary School nagalak sa maagang regalo ng GNN FM Fun Run!

TULUNAN, NORTH COTABATO, Friday, Nov. 22, 2013 -Kitang kita sa mga mata ng mga mag aaral ng new bunwan elementary school ang walang mapag sidlang kaligayahan ng dumating ang grupo ng GNN FM kahapon ng umaga sa kanilang paaralan upang mamahagi ng mga nalikom na school supplies.

Pasado alas otso ng umaga kahapon ng marating ng inyong mga personalidad sa radyo ang barangay new bunawan. Sa daan pa lamang ay mararamdaman mo na ang layo na binabaybay ng mga residente dito kung silay lalabas ng national highway.

Naratnan ng GNN team ang mga mag aaral na nag kakaroon pa ng klase. Nagkaroon muna nang maikling palatuntunan sa harap ng kanilang paaralan bago ang pamamahagi ng mga regalo. Kasama sa mga nagsalita ang ang station manager ng GNN fm na si Bebot Osano at ang isa sa mga guro ng nasabing paaralan.

Halos 150 mga school supply sets ang naipamahagi ng grupo na nalikom mula sa ginanap na FUN RUN noong selebrasyon ng 4th founding anniversary ng GNN.

Puro pasasalamat naman ang isinukli ng mga opisyal, guro at mga pupils ng new bunawan elementary school. 

Lubos din ang pasasalamat ni GNN CEO Dr. Gadi Nathan Sorilla sa mga sponsors ng nasabing fun run. (Ronald padojinog/GNN NEWS)


Saturday, November 2, 2013

BREAKING NEWS: Re-elected Baranggay Chairman ng Liboo M'lang Cotabato, pinagbabaril, patay!

Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga patay, hindi inakala ng mga residente ng liboo mlang cotabato na papanaw na rin ang bago nilang halal na kapitan matapos itong pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek ngayon lamang hapon.

Sa initial na report mula sa ating kasamahang si Ricky Andea napag alamang, lulan ng isang motorsiklo ang biktimang si Kapitan Panes at bumabyahe di umano sa kahabaan ng daan ng bagontapay mlang cotabato ng ito'y mapatay.

Sa ngayon di pa rin nakukuha ang bangkay sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang pamamaril. Tinitingnan pa rin ng M'lang PNP ang anggulong may kaugnayan sa eleksiyon ang pagpaslang sa kapitan kahit napag alamang wala itong naging kalaban sa posisyon sa katatapos lamang na barangay election.(Ronald Padojinog/GNN NEWS)


Wednesday, August 7, 2013

Radio Station sa Midasayap North Cotabato, target nang pambobomba?

BAYAN NG MIDSAYAP, North Cotabato, August 07, 2013---Palaisipan ngayon sa mga otoridad kung ang DXMA-FM Wow Radio sa Midsayap, North Cotabato nga ba ang target ng isang pagsabog kaninang alas 3 ng madaling araw sa Sto NiƱo St.

Sumabog ang isang  hindi pa matiyak na klase ng Improvised Explosive Device o IED sa harap mismo ng M-Lhuillier Pawnshop kung saan naka pwesto naman ang istasyon ng radyo sa ikalawang palapag.

Ayon kay Supt Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang IED ay itinanim sa ilalim ng upuan ng naturang pawnshop.

Nagdulot ng malaking pinsala ang pagsabog kung saan damay din ang mga salamin ng katabing mga establisyemento ngunit wala namang naiulat na nasawi o nasaktan.

Aminado naman ang mga staff ng DXMA-FM Wow Radio sa takot na nadarama lalo't sunod sunod na ang mga nagyayaring pagsabog sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa posibleng koneksiyon ng insidente sa Cotabato at Cagayan de oro City bombing. (Ronald Padojinog/GNN News)

Monday, July 29, 2013

Ilang mga paaralan sa Sibsib, Tulunan, tuloy ang mga aktibidades kahit baha

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 29, 2013---Di alintana ng mga taga Sibsib Nationanal High School (SNHS) maging ang lima pang mga paaralan ang tubig baha matapos ituloy  ang katatapos lamang na Friendship game nitong biyernes.

Matatandaang umaga ng parehong araw a 26 ng Hulyo ng sinorpresa ng baha ang buong bayan ng Tulunan kabilang na ang Sibsib. Ngunit imbes na ipagliban ang Friendship game, mas piniling ituloy ng pamunuan ang nasabing palaro ayon sa isang text message na ipinadala ni Sibsib national High School Teacher Fred Arellano.

kahit basa ang paligid hindi naman napigilan ang mga atleta na ipakita ang kanilang kakayahang sumabak sa iba't ibang sports gaya ng basketball, volleyball, takraw, running at iba pa. Pagsapit ng hapon ay biglaan din ang pagbuhos ng ulan, ngunit gaya nga ng inaasahan, naglaro pa rin ang mga ito kahit basa.

May mga larong natapos ngunit may mga laro ding hindi na itinuloy. Ayon pa sa pamunuun ng palaro, iaasign na lamang di umano kung sino ang mag rerepresent ng kanilang unit sa mga larong hindi natuloy.

Nilahokan ng Dimakanit High School, Minapan High School,banayal high school, new caridad vocational and technical school at ang host school na Sibsib National High School.

Sa kabuuan masaya namang nagtapos ang Friendship game na ginanap bilang paghahanda ng Unit 4 sa nalalapit na unit meet na siya namang gaganapin sa Mariano Untal Memorial High School sa bagontapay, M'lang Cotbato.

Samantala, tuloy din ang Nutrition Month Culmination ng Sibsib Baptist Church Learning Center noong biyernes kung saan dinaluhan naman ng mga mag aaral mula nursery hanggang kinder 2 kasama ang kanilang mga magulang at kaanak.

Bandang alas otso ng umaga ng sinimulan ng SBCLC ang kanilang programa na layuning mawakasan ang gutom at malnutrisyon. Kabilang sa kanilang palatuntunan ay ang pagkakaroon ng iba't ibang pa contest na may kinalaman sa nutrisyon gaya ng best main dish, table setting, at healthy mother and baby.

Hinakot naman ng Kinder 2 pupils and parents ang panalo sa lahat ng kategorya. Dinaluhan din ang nasabing pagdiriwang ng mga kilalang personalidad ng barangay maging ang GNN news team. (Ronald Padojinog/GNN News)

Thursday, July 25, 2013

Tulunan, sinorpresa ng pagbaha!

Photo by: Joey Casalan
BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 26, 2013---Halos walang nag akalang babahain na ganito ka tindi ang bayan ng Tulunan matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan kagabi. bandang alas sais nang gabi ng simula nang bumuhos ang ulan ngunit ilang minuto lamang ay kapansin pansin na ang pag akyat ng tubig baha sa paligid.

Nakalipas ang isang oras ay inulan na nang texts at mga tawaga ang GNN news team hinggil sa pag akyat di umano ng mga tubig sa iba't ibang parte ng Tulunan.

Una nang nagbigay pahayag ang GNN respondent na si Rolly Estolloso hinggil sa pag akyat ng tubig sapa sa boundary ng Sibsib at New Culasi dahilan ng paglikas ng mga tao.

Maya maya pa'y tumaas din ang tubig sa brgy Kanibong ayon kay Keneth Lerdon, Gnn News. Dagdag pa nito na nakahanda ang mga residfente doon lalo na yong may mga alagang hayop.

Sa Barangay Damawato naman, hanggang tuhod din ang tuhod sa iilang mga purok dahil sa tubig. Sa panayam kay Kgwd. Joel Dublado, iginiit nitong tuloy pa din ang laban ng Damawato kahit na binaha para sa nalalapit na evaluation ng Search for National Best Sanitation Practices.

Bukod sa mga nabanggit na barangay, marami pang apektado ng pagbaha. Sa ngayon, patuloy ang relief at rescue operation sa mga residenteng may matinding pangangailangan. (Ronald Padojinog/GNN news)

Sunday, July 21, 2013

Brgy. at SK polls registration, simula na ngayong araw. Tulunan Comelec ipatutupad ang barangay scheduling for registration

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 22, 2013---Sisimulan na ngayong araw, July 22, ng Commission on Elections (Comelec) ang voters' registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gaganapin sa Oktubre 28.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tatagal ng 10 araw ang registration period na magtatapos ng July 31.

Tinukoy pa ng opisyal na kahit weekend ay bukas ang registration period lalo na para sa mga estudyante na may pasok tuwing weekdays.

Una rito, tutol ang ilang senador sa pagbuwag ng SK sa harap ng mga isyu na nagiging "breeding ground" ito ng kurapsyon at political dynasties.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, Sen. Teofisto Guingona III at Sen. Bam Aquino, sa halip na buwagin, dapat rebisahin ang framework at ayusin ang panuntuan ng SK lalo na sa pananalapi.

Bagama't aminado si Guingona na sa edad 15 hanggang 17-anyos na miyembro ng SK, talagang may kakulangan sila sa kaalaman kaugnay ng pangangasiwa sa pinansyal na aspeto.

Gayunman binigyang diin nina Guingona at Aquino na kailangan ng mga kabataan ng isang institusyon upang marinig ang kanilang mga boses o hinaing.

Kaugnay nito ay maghahain ng isang panukalang batas si Ejercito na naglalayong maisailalim sa reporma ang SK.

Samantala sa loob ng sampung araw na registration, ipatutupad ng Tulunan comelec ang scheduling sa bawat barangay para sa maayos na daloy nang pag paparehistro.

Ngayong araw nakatakda para sa barangay Bituan, Nabundasan at Bagumbayan, bukas July 23- brgy Minapan, New Panay, f. Cajelo, july 24- Sibsib, Banayal, Tambac, July 25-Tuburan, New Caridad, Bunawan, July 26- La Esperanza, Kanibong, Damawato, July 27- Batang, Bacong, G. Baynosa, July 28- Daig, Magbok, Paraiso, July 29- Dongos, Popoyon, Bual, July 30- Lamapagang, New Culasi, Galidan at July 31- Poblacion.

Iginiit naman ng pamunuan ng Comelec Tulunan na ito'y gabay lamang. Maari pa ring pumunta ang mga mag paparehistro sa ano mang araw upang magparehistro alinsunod sa batas.(Ronald padojinog/ GNN news)

North Cotabato Got Talent Aarangkada sa Setyembre; Talent for a cause

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, North Cotabato July 22, 2013---Aarangkada ngayong Setyembre ang North Cotabato Got Talent na Ilulunsad ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP North Cotabato hango mula sa Pilipinas Got Talent kung saan naging basehan ang mechanics and guidelines ang SIBSIB Got Talent.

Ayon kay NUJP North Cotabato Pres. Malu CadaliƱa Manar, gagawin ang nasabing aktibidad sa Setyembre a-28 ng taong kasalukuyan.

Nabuo ng grupo ang konseptong talent for a cause para mabigyan ng scholarship  ang mga anak ng mga pinatay na mga mamamahayag at upang magkaroon ang NUJP-Cotabato ng emergrncy fund na tutulong sa mga kasapi nito, ito dahil sa karamihan sa mga journalist sa probinsiya ay walang sahod at kung meyron man may ay kakarampot lamang.

Sa kasalukuyan hinihimay himay na ang mechanics at guidelines ng nasabing contest.

Ang nasabing aktibidad ay pinag-usapan sa pagpupulong ng mga kasapi ng NUJP na isinagawa nitong Sabado sa Kidapawan City.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina: Malu Manar, NUJP Pres; Merlyn Aznar ng Mindanao Express,Rhoderick benez ng DXVL radyo ng bayan sa kabacan, April Rose Tantiado at Roviline Rapisura ng English Department, CAS, USM; Leo Varron ng KissFM Midsayap, John Andrew Tabugoc ng DXND Radyo Bida, Jun Jacolbe ng Radyo Natin Kidapawan, Dondon Balacanan ng Freedom FM Makilala, Psalmer Bernarte ang city Information Officer ng Kidapawan at ang inyung lingkod, Ronald Padojinog ng Good News Network Tulunan na inatasan ni Manar na maging over all chairman ng patimpalak. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Thursday, July 18, 2013

BREAKING NEWS: Brgy. Kagawad sa Damawato, Tulunan, pinatay ng kapitan sa mismong kaarawan nito!


Courtesy: Renz Jordan Abonado/ GNN News
BAYAN NG TULUNAN, July 18, 2013---Hindi inisip ng mga taga Damawato na sa mismong araw ng kanyang kapanganakan, ay siya ring araw na babawian ng buhay ang number one kagawad ng barangay Damawato sa bayan ng Tulunan, North Cotabato na si Federico Supat, 61 anyos,  matapos itong barilin ng mismong kapitan ng barangay na si Gilberto Espilita nitong bandang alas otso ng gabi.

Sa panayam ng GNN news team sa may bahay ng kagawad, nagkaroon di umano nang kaunting kasayahan sa brgy hall dahil sa kaarawan ng biktima kasabay ng pasasalamat ng council sa mga nagdaan nitong aktibidades.Dagdag pa ni Gng. Supat, di naglaon di umano'y nagkatuwaan na ang mga ito at nauwi sa tila baga kantswaan. Ikinagulat di umano nila ang biglaang pag alis ni Espilita. Agad naman silang pinayuhan ng iba pang mga opisyal na umuwi na at umiwas sa gulo. Iginiit din ng ginang na sinunod nila ang payo ng mga kagawad at dali daling umuwi ang mga ito. Laking pagtataka nalang ng dalawa ng nakitang nilang papalapit ang kapitan sa kanila at tinutukan ang biktima. Kasunod nito'y isang putok na ang kumitil sa buhay ng kagawad.

"Sinubukan pa niyang paputukan ulit pero hindi na pumutok ang baril kung kaya't naitulak ko siya. Napaupo pa siya sa lupa at matagal pang nakabangon" ani Gng. Supat. (pagsasalin mula ilonggo)

Agad naman nilang sinugod sa Sorilla Medical Maternity Clinic and Hospital (SMMC)  sa Sibsib ang biktima ngunit dineklara itong dead on arrival ayon sa attending physician. Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kanyang braso na lumusot sa ilalim ng kanyang kilikili patungong dibdib.

Sa ngayon sinusubukan pang kunin ng GNN news team ang panig ni Kapitan Espilita na kasalukuyang nasa Tulunan PNP station habang ginagawa ang ulat na ito.

Maririnig ang kabuuang kwento ng insidente bukas sa GNN ratsada ngayon at Tingog sang Katawhan. (Ronald Padojinog/ GNN News)

Thursday, July 11, 2013

Pinakabagong bakbakan sa Tulunan; 45 basyo ng bala, narekober mula sa NPA!

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 12, 2013---Isa na namang sagupaan ang gumimbal
sa katahimikan ng Tulunan nitong gabi ng miyerkules partikular na sa bayan ng Lampagang at
Tuburan. Dali dali namang rumisponde ang pulisya sa pangunguna ni Tulunan PNP Chief S/Insp
Ronnie Cordero kung saan narekober nila ang 45 basyo ng mga bala ng iba't ibang klase ng
armas mula sa lugar kung saan naka pwesto ang mga rebelde.

Sa exklusibong panayam ng gnn news team kay Cordero sa telepono, inihayag nitong ang
bakbakan di umano ay sa pagitan ng mga hinihinalaang NPA members at ng Armed Forces of
the Philippines (AFP) kasama ang CAFGU na naganap bandang alas 9:40 ng gabi nitong
miyerkules.

Dagdag pa nito nagtagal ang palitan ng putok ng 10 minuto ngunit maya maya pa'y umatras ang
kalaban sa bulubunduking bahagi ng mga barangay. Wala namang naiulat na namatay o
naaksidente sa panig ng militar ngunit inaalam pa kung meron sa mga NPA.

Sa ulat, idinulog ng punong barangay ng Lampagang ang insidente sa pamunuan ng PNP
noong kasagsagan ng gulo.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing bakbakan. (Ronald Padojinog/GNN News)

"Last Two" pinag-iinitan ng Tulunan PNP

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 12, 2013---Mainit ngayon ang mata ng Tulunan PNP sa talmak na ilegal gambling sa bayan ayon kay SInsp. Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP sa pagpapatuloy nang kanilang inisyatiba upang mapigilan ang naturang masamang gawain tulad na lamang ng last two.

Kaugnay ito sa mga reklamaong natatanggap nang kanilang tanggapan hinggil sa hindi mawala walang sugal.

Dahil dito hinikayat ng opisyal ang publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya upang mabawasan kundi man tuluyan nang matigil ang naturang sugal.

Aminado naman si Cordero na problema di umano nila ang malalayong barangay kung saan mga barangay officials na lamang ang direktang nakikipagtulungan upang makontrol ang operasyon ng "last two."

Pinakahuling nahuli ng PNP ang dalawang usher ng last two sa Barangay Sibsib, Tulunan North Cotabato.

Sa ngayon, walang puknat pa rin ang ginagawang monitoring ng kanyang grupo sa kanilang area of responsibility, ani Cordero.

(SJDuerme/Ronald Padojinog/GNN News)

BREAKING NEWS: Babaeng kinidnap sa Quezon City hiniling sa mga kidnapers na sa Davao mag bayaran ng ransom, mga tulisan tigbak

LUNGSOD NG DAVAO, July 11, 2013---Isang napakadelikadong taktika kung iisipin ang ginawa ni Sally Chua, biktima ng pangingidnap sa Quezon city matapos nitong hilingin sa mga kidnappers na sa Davao city ito mag wiwithdraw ng 15 milyong pisong ransom bilang kabayaran ng kanyang kalayaan. Ito ang pahayag ni Region 11 police director, Chief Superintendent Jaime Morente matapos ang isang rescue operation kaninang 1:42 ng hapon mismong sa harap ng Allied bank sa davao.

Dagdag pa ni Chua, kampante umano itong sa Davao madadakip ang mga kidnappers. Sa report na nakalap, bago pa man makaalis ang mga kidnappers sa bangko ay naka abang na di umano ang mga police ng davao at metro manila  dahilan ng palitan ng putok sa magkabilang panig.

Dalawa ang patay sa mga suspek samantalang isa naman ang nahuli. 

Samantala bago pa man nakarating ng Davao ang mga kidnappers at si Chua, ay sumakay di umano ang mga ito
sa Montero SUV via roll on roll off vesel. Sinabi rin ni chua na binook na rin ng mga kidnappers ang kanyang flight pauwi ng manila ngayong araw mismo at binilhan ng  mga suha at iba pang prutas bilang pasalubong.

Sa ngayon tinutugis na ng pulisya ang iba pang 11 kasamahan nila na nakapuslit. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Wednesday, July 10, 2013

Grade 6 pupil napaluhod sa isang vehicular accident sa Sibsib Central Elementary School

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 11, 2013---Gasgas sa tuhod ang inabot ng isang grade six pupil ng Sibsib Central Elementary School na si Kyle Fajanilbo, 12 anyos, matapos itong masangkot sa isang vehicular accident kahapon ng umaga sa harap mismo ng paaralan.

Sa report na nakalap ng gnn news team, napag alamang dakong 6:30 hanggang alas 7:00 ng umaga kahapon naganap ang aksidente. Gamit ang kanyang bisikleta, sinubukang mag overtake ng bata sa isang nakaparadang yellow multicab sa kanyang dinadaanan upang makarating sa mismong entrance gate ng eskwelahan. Tamang tama namang may isa pang motorsiklong nakasunod sa kaniyang likuran na siya ring nag overtake. Maya maya pa’y bumulagta na ang bata kabilang ang driver ng motorsiklo maging ang dalawang pasaherong sakay nito.

Sa imbestigasyon lumabas na na side swipe ang estudyante.

Sa panayam sa ina ng bata na si Maria Contessa Fajanilbo, naabutan di umano nitong umiiyak ang kanyang anak sa Tulio Favali Emergency Hospital sa bayan ng Tulunan dahil sa kaba at sugat nito. Ayon sa doctor wala namang seryosong injury na natamo si Kyle maliban sa gasgas sa kanyang tuhod.
Sinagot naman  ng driver na nakabundol sa kanya ang lahat ng gastusin sa ospital.

Sa kabuuan pumayag na makipag areglo ang ginang. Ayon naman sa bata, hindi na raw ito magbibisikleta papuntang paaralan.


Nauna nang iminungkahi ng pamunuan ng paralan ang pagkakaroon ng mga humps sa daanan upang maiwasan ang mga aksidente ngunit hindi matuloy tuloy sa kadahilanang kabilang umano ang daanan sa provincial road. Inihahanda na ang request sa provincial government para sa pagsasakatuparan ng paglalagay ng humps. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Pabuya ipamimigay ng Kidapawan PNP kontra krimen

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, North Cotabato, July 11, 2013---Naniniwala si kidapawan City PNP Chief Supt. Leo Ajero na mahihikayat ang publiko na makiisa sa kanilang laban kontra krimen sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya sa sino mang makakapagturo o makapagbibigay impormasyon kung nasaan ang mga pinaka wanted na na mga kriminal.

Ito’y kaugnay sa katotohanang hirap silang tukuyin ang kinaroroonan ng mga ito dahil na rin sa kakulangan ng kooperasyon mula sa publiko.

Sa oras na maisakatuparan umano ang reward system, madadagdagan pa ang mga impormanteng tutulong sa pagdakip ng mga most wanted gaya na lamang nang pagkakahuli sa isang takas sa bilangguan na si Armando Minoza.

Ilalatag ngayon ni Ajero ang nasabing sistema kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na siya ring chairperson ng Kidapawan City Peace and Order Council. (RBenez/Ronald Padojinog/ GNN news)

Tuesday, July 9, 2013

Pagpapasabog ng isang tulay sa Maguindanao itinatanggi ng BIFF

BAYAN NG DATU PIANG, Maguindanao/ July 10, 2013---Itinatanggi ngayon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang akusasyon ng militar na sila ang may kagagawan sa pagpapasabog ng isang tulay sa Magaslong, Datu Piang, Maguindanao.

Ito’y halos hindi na mapakinabangan ang kalahating bahagi ng tulay sa di umano itong pasabugan ng BIFF  gamit ang dalawang malalakas na uri ng improvised explosive device (IED) bandang alas 11:30 ng gabi nitong lunes.

Sa mga naunang report, inihayag ni 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Col. Dickson Hermoso, nakapwesto di umano ang mga pampasabog sa ilalim ng tulay dahilan ng pagka sira nito at kung bakit maliliit na lamang na sasakyan ang pwedeng dumaan dito. Bawal na rin tumawid ang mga mabibigat at malalaking sasakyan.

Patuloy pa rin naka heightened alert ang kapulisan at military sa Maguindanao at North Cotabato sa mga posibleng surpresang pag atake ng BIFF.


Matatandaang nitong sabado nang binulabog ang buong Maguindanao at North Cotabato matapos sumiklab ang gulo sa pagitan ng miltar at BIFF kung saan anim nang nasawi sa kampo ng military at 80 sa BIFF. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Grupo ng Tulunan OFWs nagkakaisa sa Facebook

BANAL NA LUNGSOD NG JERUSALEM, Bansang Israel, July 10, 2013---Ginagamit na rin ngayon ng mga Tulunenseng Overseas Filipino Workers (OFW) ang kapangyarihan ng number one networking site sa buong mundo na Facebook upang magkaisa at maisulong ang kapakanan ng mga binansagang bagong bayani. Kaugnay ito sa pagkakatatag ng Overseas Filipino Workers - Tulunan Group, isang group page sa facebook na ang mga miyembro ay pawang mga taga Tulunan na nangibang bansa upang makipagsapalaran.

Sa isang panayam sa chat, sinabi ni Cherie Mae Fogata alyas Intaw, founder ng grupo na naka base sa Israel, pangunahing layunin ng organisasyon ang matulungan ang bayan ng Tulunan sa pamamagitan ng pagbibigay ayuda sa mga pamilyang naiwan ng mga OFW sa bayan na nabiktima ng mga kalamidad, namatayan, pinauwi o minaltrato ng mga employer, at maging sa kalusugan. Dagdag pa ni Fogata, nagbibigay din sila ng regalong P5, 400.00 para sa mga aktibong miyembro o opisyal na magpapakasal.

Iginiit naman nitong may mga batayan ang bawat tulong na kanilang pinapamahagi sa mga benipisyaryo ng organisasyon gaya ng mga hinihiling na dokumento bago ang ayuda. Sa katunayan, naka pamahagi na di umano ng tulong ang grupo  sa mga kaanak ng miyembrong namatayan. Kabilang sa mga nasawi ay sina Lasto Felix ng 125 La Esperanza, at Don Don Palomo na namatay sa nakaraang gulo sa Maybula, Tulunan.

Naitatag ang grupong ito noong Mayo 14, at magdadalawang buwan pa lamang ngayong July 14 kung saan meron nang 194 active members sa iba’t ibang bansa na pinamunuan ng mga opisyal at board of trustees
.

Sa bayan ng Tulunan meron ding katumbas na mga opisyal ang grupong ito kung saan binubuo naman ng mga representative ng mgha pamilya ng mga OFWs. Sa July 15, nakatakdang magsumite ang mga ito ng mga requirements sa DOLE upang maging legal ng organisasyon ang kanilang asosasyon ng nagsimula sa Facebook. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Ramadan, apektado ng kaguluhan sa North Cotabato at Maguindanao

BAYAN NG DATU PIANG, Maguindanao/ July 10, 2013---Higit na maapektuhan di umano sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa ilang bahagi ng Mindanao ang mga sibilyan kabilang na ang mga kapatid na muslim dahil sa pagsisimula ng ramadan ngayon araw. Ito ay ayon sa panayam ng isang radyo kay MILF first vice chairman for political affairs Ghadzil Jaafar.

Iginiit nitong hindi magandang mapipilitang mag evacuate ang mga muslims civilians sa mga apektadong lugar dahil umano magiging inconvenient sa kanilang panig ang pag aayuno kung kanilang lilisanin ang kanilang mga bahay at mananatili sa mga evacuation centers.

Sa panayam sa isang residenteng muslim na nagtangging magpakilala, hindi umano maganda ang mga nangyayaring kaguluhan lalo na sa mga sibilyan sapagkat posibleng takot at pangamba ang kanilang mararamdaman imbes na makapag focus sa pagdiriwang ng buwan ng ramadan. Nanawagan din itong matapos na sana ang kaguluhan na walang naidudulot ng maganda.

Una rito, inamin din ni Jaafar na nadadamay na ang iba nilang pwersa sa ibang apektadong lugar sa North Cotabato bagay na ikinadidismaya ng MILF.

Matatandaang hindi umano titigil ang mga militar sa pagtugis sa BIFF kahit sa buwan ng ramadan. 
(Ronald padojinog/ GNN news)




2 Speedboats ng BIFF, pinaliguan ng bala- Mama

BAYAN NG DATU PIANG, Maguindanao/ July 10, 2013---Pinaliguan  umano ng mga militar ng bala ang dalawang speed boats na pag mamay ari ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters nitong sabado sanhi ng pagsiklab ng kaguluhan sa pagitan nila at ng mga militar. Ito ay ayon sa pahayag ni Abu Misri Mama, spokeman ng BIFF sa isang panayam sa radyo.

Dagdag pa nito pinaulanan din umano nila ng bala ang kanilang mga kasamahan sa Purok  Wali sa lalawigan ng North Cotabato at hindi pa nakontento ang mga ito dahil isinama rin umano nila sa pag-atake ang sentro ng Datu Piang.

Ngunit sa kabila ng mga pag atake at nangyayaring kaguluhan wala di umanong namatay o nasugatan man lang sa panig ng BIFF taliwas sa mga balitang 80 na ang nasawi sa kanila at mahigit 37 sugatan.
Matatandaang marami umano sa mga nasawi sa BIFF ay tinamaan ng mortar fire at bala ng 105mm howitzer cannon. Bagay na pinabulaanan ni Mama.


Sakali di uamanong may namatay o mamatay  sa kanilang panig, ito’y kanilang ipagmamalaki sa publiko  bilang isang martir hindi umano katulad ng militar na itinatago ang katotohanan.

Samantala, kinilala na rin ni 6th Infantry Division chief M/Gen Romeo Gapuz ang mga nasawing sundalo na sina 1Lt Gerardo Flores, Pfc Rey Arubio at Pfc Jessie Pauig mula sa 68th Infantry Battalion Phil. Army na tinamaan ng bomba mula sa itinanim ng mga rebelde sa Brgy Ganta, Sultan Saydona Mustapha, Maguindanao.
Nasawi rin sa labanan sina Pvt Migan Bello at Pvt Jonathan Mores ng 7th Infantry Battalion na tinambangan ng BIFF sa Brgy Paidu, Pulangi, Pikit, North Cotabato. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Mga pananim sinalanta ng baha sa Pigcawayan


BAYAN NG PIGCAWAYAN, North Cotabato, July 10, 2013---Hindi pa rin tiyak ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Pigcawayan, lalawigan ng North Cotabato ang tamang halaga ng mga pininsalang pananim ng tubig baha bunsod ng patuloy na pag ulan nitong nakaraang mga araw sa bayan.

Sa impormasyong nakalap mula sa datus ni Pigcawayan Social Welfare Officer Mariam Joy Quilban, napag alamang apat na barangay ang apektado kabilang na ang Barangay ng Bulucaon , Datu Mantil , Upper Pangankalan at ang Lower Pangankalan. Kung saan pinakamatinding tinamaan ng perwisyo ang barangay ng Bulucaon na may humigit kumulang sa isang libong residenteng nagsilikas.

Dagdag pa ni Quilban, bukod sa mga pananim, 953 pamilya rin ang apektado na kinabibilangan ng 4,676 na mga residente ng nasabing lugar. Sa pinakahuling ulat ang mga ito ay nanunuluyan ngayon sa isang evacuation shelter ng pigkawayan.

Naghahanda na rin ang Pigcawayan MSWDO para sa mga tulong na iaabot sa mga apektado ng baha. (RBeƱez/BQueman/Ronald Padojinog, GNN News)

Monday, July 8, 2013

"18 sa mga tauhang nasawi, walang katotohanan" -BIFF

Courtesy of Philstar Ngayon
(Maguindanao/ July 9, 2013) ---Itinanggi ng taga pagsalita ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na si Abu Misry, na may nakalas sila’ng mga kasama sa pakikipagbakbakan nila noong nakaraang linggo sa tropa ang gubyerno sa North Cotabato at Maguindanao.

Sa panayam, sinabi ni Misry na mga 
sibilyan at hindi mga BIFF ang tinamaan
 ng mga mortar na pinaulan ng AFP 
noong Sabado at Linggo.

Reaksyon ito ni Misry sa mga inilabas na report ng 6th Infantry 
Division na umabot sa labing-walo na mga operatiba ng BIFF 
ang namatay sa dalawang araw na bakbakan sa Paidu Pulangi 
sa Pikit, North Cotabato at Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.
       
Sa report ni Col. Dickson Hermoso, ang hepe ng Public Affairs Office 
ng 6th ID, lima sa mga tauhan nila ang nasawi sa engkwento – 
dalawa rito mula sa 57th IB at tatlo mula sa 68th IB.
       
Pero ang BIFF nagtamo ng mas matinding casualty, ayon kay Hermoso.  

Ibinatay ni Hermoso ang kanyang pahayag sa naging report ng
 ilang miyembro ng Peace and Order Council ng munisipyo ng
 Shariff Saydona Mustapha.

Sa ngayon nasa defensive position ang militar sa kabila nang 
nangyaring labanan.
          
Sinasabing namamayani pa rin ang takot sa libu-libong mga 
evacuees na bumalik sa kanilang tahanan dahil nasa paligid lamang
 ang mga rebelde.                   

Samantala, sa ilang media reports umabot umano sa 80 mga 
BIFF ang napaulat na binawian ng buhay, pero ang nasabing 
balita ay itinanggi naman ng BIFF. (Radyo ng Bayan)

Mambabatas sa Tulunan, napaluha!

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato/ July 9, 2013--- Ikinagulat ng lahat ng mga dumalo sa ika 16 na inagaural session ng sangguniang bayan ng Tulunan ang biglaang pagluha at balisa ni re-elected Tulunan Municipal councilor Fabio Lapating. Una’y inakala ng lahat na na marahil inatake umano ito ng highblood ngunit nananatili itong nakatayo at nagpatuloy sa kanyang mensahe.

Ayon kay Lapating Masaya lang di umano ito dahil muling nakabalik sa sangguniang bayan dahil sa tiwala ng taong bayan. Dali dali naman itong inabutan na tubig upang mapagaan ang loob. Inamin naman nitong hindi naging biro sa kanya ang nakaraang eleksiyon.

Sa naunang panayam sa ginang ni Lapating, sinabi nitong noong umpisa ng bilangan di umano’y halos di na sila mapalagay dahil halos ubos na ang bilangan at di pa rin nakakapasok ang konsehal sa top 8.

Sa exklusibong panayam namna sa konsehal, sinabi nitong lubos ang kanyang pasasalamat dahil sa muling suporta ng taong bayan at titiyaking di masasayang ang kanilang suporta. Magiging sentro umano ng kanyang liderato ang mga insfrastructures at investors para sa lumalagong tulunan.(Ronald Padojinog/ GNN news)

Informal settlers bibigyang pansin ng ABC!

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato/ July 9, 2013---Tututukan ngayon ng Tulunan Association of Barangay Chairm (ABC) problema sa mga informal settlers ng bayan. Una na rito ang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng may higit 25 pamilyang informal settlers at nina Tulunan Municipal Mayor Lani Candolada kasama si ABC President Joan Villamor at Tulunan DSWD kamakailan.

Sa pagpupulong tiningnan ang posibilidad na pagpapatayo ng housing projects bilang tugon sa kaawa awang sitwasyon ng mga settlers. Tinitingnan din maging ang pagkakaroon nila ng sariling lupain.
Sa exklusibong panayam ng GNN news team kay Tulunan ABC President Joan Villamor, inihayag nitong dapat din umanong bigyang pansin ang mga settlers na ito dahil sa sila ang may mas pangangailngan. Dagdag pa nito, na ang mga settlers ay naghahanap lamang kung saan saang bakanteng lupa para matirikan ng bahay kung kaya’t maiging aksiyonan ang kanilang problema lalo pa’t lumalago na umano ang bayan ng Tulunan.
Iginiit din ni Villamor na dumidepende pa rin sa pondo ng munisipyo ang magiging aksiyon para sa mga settlers dahil di  umano basta basta ang pagpapatayo ng nasabing housing.


Samantala, bukod dito, mas lalo pa umanong pa iigtingin ng ABC President ang pagbabantay sa peace in order ng bayan, maging nag pagsisiguro na ang mga hinain ng bawat barangay ay makakarating sa sangguniang bayan bilang representante ng 29 na barangay ng Tulunan.(Ronald Padojjinog/GNN news)

Thursday, July 4, 2013

Misis na nang-iwan, bangkay ng binalikan ang mister

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 4, 2013---Isang malamig  na bangkay ng kanyang mister ang dinatnan ng isang misis sa barangay Lampagang sa bayan ng Tulunan Cotabato matapos niya itong iwanan ilang linggo na ang nakararaan. Nauna nang napabalitang ang kanilang hindi pagkakaintindihan bilang mag asawa, ang naging mitsa ng pagpapakamatay ni Rexton Macabales, nitong lingo ng gabi.

Nagunitang inihayag ng ina ng nagpatiwakal na hindi na umano nakayanan ng kanyang anak ang mga pasakit na kanyang dinaranas sa buhay kung kaya’t nagpaalam ito na wawakasan na niya ang lahat.

Alas sais naman ng umaga nitong lunes nang matagpuang nakalambitin si Macabales sa puno ng mangga.
Samantala hindi na aabot sa isang linggo ang lamay ni  Macabales.  Katwiran ng kanyang kapatid na si Gary Macabales kung saan exclusibong nakapanayam ng GNN news team, di na umano kailngan pang magtagal ang bangkay ng kapatid dahil halos lahat naman ng kanilang kapamilya ay nasa malapit na lugar lamang. 

Dagdag pa nito na payo ng kanilang ama, wala daw dapat magpakita ng ano mang hinanakit ang sino mang miyembro ng kanilang pamilya sa asawa ng kapatid. Ngunit nmagbabala itong ibang usapin na  di umano ang tungkol sa custodiya ng  mga batang inulila ni Macabales.


Magkakaroon muna ng salu-salo ang pamilya’t mga kaanak ni Macabales mamayang tanghali bago nila ito ihatid kanyang huling hantungan.(Ronald Padojinog/ GNN news)

Salmorin ng TNHS, tuluyan nang nagretiro

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 4, 2013---Sa edad na 65-anyos nagretiro na si Tulunan National High School (TNHS) Secondary Principal II Erna Salmorin  bilang isang guro sa sekundarya na engrandeng ginanap sa TNHS activity center nitong Martes.
Bandang alas 7: 30 ng umaga ng sinimulan ang maikling palatuntunang inihanda bilang pagpupugay sa kontribusyon ni Salmorin sa larangan ng edukasyon bilang pangalawang ina ng mga estudyante sa paaralan.

Ito’y matapos manilbihan ng humigi’t kumulang 44 na taon sa pamahalaan kung saan nagsimula ito bilang classroom teacher noong July 7, 1969, naging head teacher III noong 1984, Secondary principal I noong 1994 at principal II naman nitong 2010.

Sa panayam ng GGN news kay Tulunan Municipal Councilor Marichel Amar na naksaksi sa selebrasyon  sinabi nitong walang  humpay di umano  ang pasasalamat ng principal sa lahat ng mga tumulong sa kanyang makamit ang kung ano man ang kanyang natatamasa ngayon.

Si Salmorin ay tubong Lauan Antique na nagtapos ng kolehiyo sa lungsod ng Cotabato at dito na tuluyang nagsilbi sa lalawigan.


Nagsidatingan din ang mga kilalang personalidad sa larangan ng edukasyon at maging sa mundo ng pulitika. Nagtapos naman ang palatuntunan bandang tanghali  sa isang pagsasalu-salo.(Ronald Padojinog/ GNN news)

Mga plano para sa bayan, ilalatag ngayong araw

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato, July 4, 2013/ 7:00 A.M---Ilalatag na ngayong araw ni Tulunan Municipal Mayor Lani Candolada ang mga plano nito sa mga kapwa mambabatas ng munisipyo sa ika labing anim na inaugural session ng sangguniang bayan.  Ngayong araw din nakatakda ang pinakaunang session ng mga ito matapos ang May 13, 2013 midterm elections. Ang mga inaasahang pag uusapan ngayong araw ay ang mga aabangan proyekto, programa, at mga polisiyang ipatutupad mula ngayon hanggang sa 2016.

Magsisimula ang session mamayang alas 10 ng umaga sa sangguniang bayan session hall ng munisipyo kung saan dadaluhan ng mga datihang konsehal na sina Marichel Amar, Claire Palma,Jeofre Espanola, Fabio Lapating at bagong halal na mga opisyal na kinabibilanghan nila reul Limbungan, Richard Dado, Jose Paja, at Jojo Ortizo. Kabilang din sa session si vice mayor elect Owik Villamor, bagong ABC president Joel Villamor at SK president Dan Alvin Bajalan..


Magugunitang una ng nangako ang mga opisyales ng LGU noong lunes na manunungkulan sa ngalan ng bayan kung kaya’t  malalaman din mamaya kung ang mga proyektong pinangako nang mga pulitikong nakaupo ay kasali sa mga programang ilalatag.(Ronald Padojinog/ GNN news)

Tuesday, July 2, 2013

“di tatanggap ng suhol, Maglilingkod ng magalang”- LGU municipal employees

BAYAN NG TULUNAN/ July 03, 2013---Nangako ngayon ang mga kawani ng pamahalaan na hindi sila tatanggap ng ano mang suhol sa kahit kanino man sa kanilang serbisyo sa munisipyo ng Tulunan. Sa katatapos lamang na oath taking ceremony na ginanap sa ABC hall ng bayan nitong lunes, kasama sa kanilang pangako ang paglilingkod din ng mga ito ng magalang sa mga Tulunense para sa maayos na paglilingkod at epektibong pamamahala.

Mismong sa pangunguna ni Tulanan Municipal Mayor Lani Candolada, isinagawa ng mga kawani ng pamahalaan kabilang na ang rural health unit (RHU), Philippine National Police (PNP), MDRRMC, Bureau  of Fire, at iba pang departamento. Ito’y  kasabay sa pag upo ng mga bagong halal na mga opisyales ng bayan.

Pinayuhan naman ni Candolada ang mga empleyado na dapat sa lahat ng oras di umano ay ang taong bayan ang uunahin. Binigyan diin nito ang mga empleyadong mas inuuna pa ang pagkain at pakikipag tsismisan kahit meron pang mga taong dapat pagsilbihan. Dagdag pa aniya, hindi raw dapat magtagal ang mga empleyado sa mga banyo para makipag chikahan lalo na sa oras ng trabaho.

Umaasa ngayon ang alkalde na magiging maayos ang mga empleyado ng munisipyo sa panghuli nitong termino at pagbubukas ng nbagong gawang Tulunan Municipal hall.

Ang milyon-milyong halaga ng municipal hall ay naturn-over na rin sa LGU nitong nakaraang lunes at inaasahang magiging bukas na sa taong bayan sa lalong madaling panahon.


Sa pagbisita ng GNN news team sa nasabing munisipyo, interior arrangement na lamang ang kulang gaya ng mga furnitures, aircon at mga office supplies upang mabuksan na ng tuluyan ang bahay pamahalaan ng Tulunan. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Monday, July 1, 2013

Palitan ng putok sa isang banana plantation sa barangay Dungos, di konektado sa kaguluhan ng tri-boundary sa Tulunan-PNP

BAYAN NG TULUNAN, North Cotabato/ July 2, 2013---Pinabulaanan ngayon ni Tulunan Philippine National Police (PNP) Chief Cordero ang agam agam na konektado di umano ang nangyaring palitan ng putok sa isang banana plantation sa barangay Dungos sa isyu ng tri-boundary conflict sa bayan ng Tulunan. Iginiit nitong nasa peaceful situation na sa ngayon ang human conflict sa Maybula, Columbio at Datu Paglas.

Inihayag ni Cordero sa GNN news na patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon kung ano ang tunay na motibo nang mga di pa nakikilalang mga suspect. Tinitingnan naman nila ang anggulo ng mga di pagkakaunawaan ng mga dating security guards at ng pamunuan ng RNF banana plantation.

Binulabog ang mga residente ng Dungos ganun din ang mga karatig barangay dahil sa lakas ng mga palitan ng putok bandang alas 10:30 kagabi na nagtagal di umano na limang minuto. Sa inisyal na imbestigasyon, sinamantala di umano ng mga suspek ang dilim ng paligid kung saan nakatago ang mga ito, ngumit di naglaon ay umatras din ang mga di pa nakikilalang mga armado. Wala namang nasawi o nasugatan sa nasabing putukan.


Pinaaalalahanan din ng hepe ang mga residente na maging vigilante at agad ipaalam sa hotline ng PNP 09189632696 ang mga hindi kanais nais na mga napapansin sa paligid. (Ronald Padojinog/ GNN news)

“No mining policy” sa bayan ng Tulunan, isusulong ng isang halal na opisyal

BAYAN NG TULUNAN, North, Cotabato/ July 2, 2013---Mahigpit na tututulan ni number one Tulunan municipal councilor-elect Reuel Pipip Limbungan ang posibilidad na pagpasok ng mga large scale mining sa bayan. Matapos makitaan ng potential ang bayan ng Tulunan na posibleng maging target ng mga minahan.

Sa panayam kay Limbungan kahapon sa ginanap na oath taking ceremony sa ABC Hall ng munisipyo, iginiit nitong matindi ang pinsalang maidudulot ng large scale mining sa pagkasira ng kabukiran nang bayan.Matindi din umano ang maidudulot nito na kalamidad gaya ng mga pagbaha. Dagdag pa nito na marami na di umanong mga pagbahang nagaganap sa bayan kung kaya’t di na dapat ito madadagdagan. Samantala sinabi naman nitong wala naman siyang nakikitang problema sa mga small scale mining lalo’t nakagisnan na ito ng mga kababayang tulunense.

Sa larangan naman ng libreng edukasyon na ipinangako ng konsehal, ipinaliwanag nitong institutionalized di umano ang scholarship kung saan isusulong pa sa sangunniang bayan at inaasahan namang papaboran. Una nang napabalita ang pamamahagi nito ng 500 bags sa mga kabataang estudyante sa isang barangay ng Tulunan.


Nagpasalamat naman si Limbungan sa taos pusong suporta ng mga tao sa kanya nitong nakalipas na halalan. Matatandaang ang konsehal ang nanguna sa botohan na nakakuha ng humigit kumulang 13, 000 votes sa kabuuan. Inamin naman nitong mas lalo siyang na pressure dahil dito.(Ronald Padojinog/ GNN news)

Lalaki sa Tulunan, nagbigti dahil sa pag-ibig, patay!

BAYAN NG TULUNAN, North, Cotabato/ July 2, 2013--- Nangingitim na ang balat at tirik pa ang mga mata ng isang bangkay ng lalaki sa barangay Lampagang bayan ng Tulunan, Cotabato. Matapos itong nagpatiwarik at natagpuan ng isang brgy. Kagawad na nakalambitin sa punong mangga bandang alas 6 ng umaga kahapon. Ginamit di umano ng biktima ang tali ng kalabaw at nagbigti dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa isang panayam sa ina nang biktima at kasama nito na residente ng barangay, inamin nitong noong gabi ng lingo ay nag paalam di umano ang anak nitong si Rexton Macabales, na magpapatiwakal dahil sa bigat ng problemang dinadala.  Dagdag pa ng ina nito na hindi niya inaakalang patotohanan ni Macabales ang kaniyang banta, kung kaya’t pinayuhan lamang di umano niya ang anak na h’wag nang umalis ng bahay. Laking gulat na lamang ng ina nito, na hindi na umuwi ang anak at  kahapon ng umaga nga’y malamig nang bangkay si Macabales.

Sa kwento pa ng ina sa gnn news team sinabi nitong dahilan umano ng pagpapakamatay ng anak ay ang paghihiwalay nila ng kaniyang asawa may isang buwan na ang nakalilipas. May mga hindi umano pagkakaintindihan ang mag asawa na nauwi sa hiwalayan.

Ayon naman sa isa sa mga tumulong sa pagkuha na bangkay na tumangging magbigay ng pangalan, lasing pa di umano ang biktima nang isinagawa ang insidente.


Iniwan naman ni Macabales ang tatlo nitong anak kung saan anim na taong gulang pa lamang ang pinakamatanda sa mga ito. Agad namang pinaalam ng pamilya ng biktima ang sinapit nito sa kanyang asawa.(Ronald Padojinog/ GNN news)

Gob. Lala Nanumpa na sa kanyang pangalawang termino; Tagumpay ng lalawigan sa Disaster Preparedness, inanunsiyo!

BAYAN NG KIDAPAWAN, North, Cotabato/ July 2, 2013---Nanumpa na sa kanyang pangalawang termino bilang halal na goberndora si 2nd termer North Cotabato Governor –elect Emmylou “lala” Talino Mendoza noong biyernes sa harap ni Regional Trial Court Judge Arvin Balagot at libo-libong taong bayan na nanggaling pa sa iba’t ibang parte ng lalawigan.

Kasabay ang iba pang mga halal na opisyal ng lalawigan nangako ito sa sambayanang Cotabateno na gagampanan niya ng taos puso ang tiwalang pinagkaloob ng publiko sa pangalawang pagkakataon.
Sa kasagsagan ng kanyang inaugural speech, pinayuhan ni Mendoza ang mga kapawa niya pulitiko at empleyado ng gobyerno sa kani kanilang responsibilidad at accountability bilang kawani ng pamahalaan. Dagdag pa nitong hindi biro ang kanilang pinasukan dahil katumbas nito ang serbisyong totoo.

Ipinagmamalaki naman ng gobernadora ang tagumpay ng North Cotabato bilang winner sa rehiyon sa larangan ng disaster preparedness program. Hudyat di umano ito na nasa tuwid na landas at tama ang mga programang pinapatupad. Ito’y matapos matatandaang inulan ng mga pag subok ang lalawigan nitong mga nakaraang lingo bunsod ng mga pagbaha, lindol at maging human conflict war.

Ang patimpalak ay region wide kung saan sinalihan ng mga probinsiya ng North Cotabato, South Cotabato , Saranggani at Sultan Kudarat,


Ngayong buwan ng hulyo naman ipinagdidiriwang ng buong bansa ang disater prevention month. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Bagong barangay kapitan ng Kanibong Pedro Vicente, Suportado ng mga kabarangay!

Suportado ngayon ng kanyang mga ka barangay ang bagong kapitan ng barangay Kanibong, Tulunan, sa lalawigan ng North Cotabato. Ito'y makaraang taos pusong tinanggap ni  brgy. Kanibong first kagawad Pedro Vicente ang posisyon matapos ipasa ito sa kanya ni outgoing kanibong chairman at incoming regular sangguniang bayan (SB) member Richard Dado matapos siyang mahalal bilang pang apat na councilor ng munisipyo.

Sa ginawang turn-over ceremony kamakalwa sa brgy hall nang nabanggit na barangay, sinabi ni Vicente na gagawin di umano nito ang lahat upang ipagpatuloy ang nasimulan  ni Dado tungo sa patuloy na pag-unlad ng lumalagaong barangay. Suportado rin ito ng kanyang mga kasamahan sa council. 

Samantala, sa mensaheng pinarating ni Dado sa kanyang kabarangay, lubos itong nagpapasalamat sa mga tumulong sa kanya noong kasgsagan ng kanyang pagiging kapitan gaya na lamang ng mga sitio, purok leaders, at mga former officials ng Kanibong na siyang nagbigay naman ng ayuda at suporta sa kanyang administrasyon. 

Nagtapos ang palatuntunan sa pamamagitan nang isang salu-salo at pamamahagi ng mga dry goods na dinaan sa raffle promo bagay na mas lalong ikinatuwa nng mga nagsidalo.

Matatandaang si Dado ay pasok sa top 8 circle ng mga konsehal ng bayan ng Tulunan sa katatapos na May 13, 2013 elections. Ngayong araw naman siya uupo bilang SB member ng munisipyo. 
(Ronald Padojinog with Kenneth Lerdon/ GNN Neews)

Sunday, June 30, 2013

Mga otoridad blanko pa sa suspek sa panibagong shooting incident sa Kidapawan


(Kidapawan city/ June 28, 2013) ---Patay ang habal-habal driver makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang mga salarin habang tinatahak ang kahabaan ng Kidapawan-Magpet National Highway alas 8:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Pocholo Reyes Orolla ng Barangay Tagbak, Magpet.
Sa inisyal na report mula sa Kidapawan city PNP nabatid na si Orolla ay pinakyaw umano ng dalawang mga di pa nakilalang mga salarin papunta ng brgy. Mateo.

Pero pagdating umano sa tulay, pinahinto ang skylab na minamaneho ng biktima at pinababa ito.

Pagkababa ng suspek, walang pasabi at binaril ng suspek si Orolla sa ulo na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Matapos na matiyak na patay ang biktima, agad na dinala na kinuha ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima na XRM.

Ito an gang pangalawang shooting incident sa Kidaapwan ngayong buwan ng Huny, ang una ay isang negosyante na binaril patay ng mga riding in tandem na mga kalalakihan sa harap ng Catholic Chruch.

Sa ngayon, walang pang na-establish na motibo ang PNP sa nasabing insedente. (Rhoderick BeƱez)

Gob. Lala ibinida ang mga investors ng probinsiya taliwas sa isyung one of the poorest provinces ang North Cotabato!

Bayan ng Kidapawan, North Cotabato/July 1, 2013 --Masayang ibinida ngayon ni North Cotabato Elect Governor Lala talino Mendoza ang mga investors na pumasok na sa lalawigan ngayong taon. Taliwas aniya sa isyung ang North Cotabato di umano ay kabilang na sa poorest provinces of the Philippines.

Dagdag pa nito na nagtataka di umano siya kung saan binase ang mga datus sa nasabing performance ng pamahalaan. Iginiit nitong di umano sinali ng ahensiya sa likod nito ang mga investors na namumuhunan na sa lalawigan gaya ng Del monte sa banisilan at Tulunan, bagong tayong Gaisano Mall sa Kidapawan City, oil palm mill sa Carmen at iba pang kasalukuyan nang ginagawa. Dagdag pa nito na patunay ang mga ito na hindi totoong nag hihirap ang lalawigan.


Sa kanyang mensahe nitong biyernes, sinabi niyang magpaptuloy pa ang mga proyektong dadating sa north cotabato. Samantala chinallenge naman nang gobernadora ang mga bagong halal na gampanan ang kanilang tungkulin dahil di umano biro ang kanilang pinasok, ipakita umano ng mga opisyal ang taos pusong serbisyong totoo kapalit ng tiwala ng bayan. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Ipong, humingi ng paumanhin sa mga nasaktan noong nakaraang eleksiyon.

Bayan ng Kidapawan, North Cotabato/ July 1, 2013--- Humingi ng paumanhin at kapatawaran sa mga nasaktan niya noong nakaraang eleksiyon si North Cotabato Vice Governor Elect Gregorio Ipong sa kasagsagan nang kanyang mensahe noong biyernes. Ito’y matapos muli na naman siyang mahalal sa lalawigan bilang bise governador sa katatapos lamang na eleksiyon kung saan nagkamit ito ng landslide victory laban sa nag iisa niyang katunggali.

Nagpahiwatig din si Ipong ng kanyang taos pusong pasasalamat sa mga sumuporta at patuloy na naniniwala sa kanya at kay North Cotabato Elect Governor Emmylou “lala” Talino-Mendoza na siya ring nanalo. Aniya, utang niya sa mga taong bayan ang tagumapay at masaya siya umano dahil si Talino ang binigay sa kanya bilang gobernadora.

Nagbiro naman si Ipong na baka magiging pasaway di umano ang mga babeng board members dahil ngayon lang di umano magkakaroon ng limang babae sa loob ng sesyon hall sa capitol ng cotabato na kinabibilangan nina boardmember elect- Macasarte, Pagal, Dalumpines, Valdivieso at ng Gobernadora.

Sa mensahe namang ipinarating ni 3rd District Board member-elect Ivy Dalumpines, inihayag nitong tutulong siya sa ano mang hakbangin ng pamahalaan, kabilang na ang pagfocus sa edukasyon, kalusugan at kahirapan. Habang pinaninindigan naman ni 3rd District Board member-elect Maybell Valdivieso na tutuparin nito ang kanyang mga pangako noong nakaraang eleksiyon.


Noong biyernes ginanap ang mass oath taking ceremony and thanksgiving ng mga bagong halal na opisyal sa Amas Capitol Gym, Kidapawan City. (Ronald Padojinog/ GNN news)

Tuesday, June 25, 2013

Mga residente ng Sibsib at karatig barangay, umarangkada sa unang araw ng GNN Taeborobics exercise!

Wednesday 26th of June 2013
BAYAN NG TULUNAN, North  Cotabato, Hunyo 25 (GNN)- Di iniinda ng mga fitness enthusiast ang basa sa pawis nilang katawan sa unang araw ng GNN Taeborobics noong sabado, a 22 ng Hunyo bandang alas 4:30 ng madaling araw.

Kahit mejo mahirap gumalaw ang iilan ay pilit pa rin nilang sundan ang mga taeborics steps ng instructors para makasabay. Sa unang araw nito, mahigit kumulang sa dalawampung katao ang dumalo upang makiisa sa layunin ng GNn fM na maisulong ang magandang kalusugan sa araw araw. Halos nasa business sector ng barangay Sibsib ang mga dumalo may mga taga barangay Poblacion , lampagang, at bual ding sinadya pa ang ating himpilan upang makiisa.

Bandang alas 4 :30 nang nagsimula ang warm up hanggang sa tuloy tuloy na ang sayawan tungo sa magandang kalusugan.

Ang taeborobics ay isa sa mga inisyatibo ng GNN public Affairs kung saan pinangungunahan ng inyong mga abang lingkod na mamamayahag. Sa tulong na rin ng Sorilla Medical Maternity Clinic and Hospital (SMMCH) , naisakatuparan ang nasabing taeborobics.

Ang Taeborobics ay ginaganap tuwing sabado at linggo alas 4:30 ng madaling araw sa SMMCH Basketball court sa likod mismo ng himpilan ng GNN,samantalang may mga special sessions din depende sa request ng mga partisipante.

Sa gustong makilahok sa taeborobics ng GNN, mag text lamang sa numerong 09109158589.(Ronald Padojinog/GNN news)

Joint Task Force Barko Barko- Napadala na para sa kapayapaan ng tri-boundary conflict sa Tulunan, Columbio at Datu Paglas!

Wednesday 26th of June 2013
BAYAN NG TULUNAN, North  Cotabato, Hunyo 25 (GNN) – Itinalaga na noong isang araw ang Joint Task Force (JTF) na binubuo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na madalas naaapektuhan ng kaguluhan sa tri-boundaries ng Maguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat. 

Ang task force ay bubuuin ng mga elemento mula sa 1002nd Brigade ng Philippine Army at sa Regional Mobile Group sa Soccsksargen region. kabilang din sa task force ang mga miyembro ng Regional Joint Peace and Security Coordinating Committee (RJPSCC) na ikakalat sa Barko-Barko, isang dating peace zone na matatagpuan sa tri-boundary. 

Nabatid na ang nabanggit na lugar ay okupado ng mga rebeldeng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at inaangkin ito bilang parte ng kanilang defense perimeter. Sa report ang RJPSCC ay kinabibilangan ng ng mga representante ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH), International Monitoring Team (IMT), AFP, PNP, at ng MILF. 

Pangunahing gawain ng grupo ay ang imonitor ang anumang paglabag sa ipinatutupad na ceasefire. 

Sa panayam kay Tulunan Municipal Mayor Lani Candolada gagawan ng paraan ng pamahalaan ang pagresolba sa mga isyu tulad boundary conflict sa mga bayan sa North Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat. 

Kaugnay nito, pinangangasiwaan na ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR 12) ang usapin sa political boundaries kung saan gagawing basehan ang Law on Creation ng bawat bayan. 

Inihayag ni Candolada na mayroon ding problema sa pag-iisyu ng Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs) na kailangan namang pagtuunan ng pansin ng Department of Agrarian Reform sa Rehiyon Dose. 

Umaasa ang opisyal na sa presensya ng RJPSCC ay huhupa ang tensyon sa lugar. 

Matatandaang, simula noong Mayo 25 nitong taon, abot sa 200 pamilya ang lumikas mula sa mga barangay ng Maybula at New Bunawan sa Tulunan at mahigit 100 pamilya naman mula sa kalapit na bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat dahil sa kaguluhan sa pagitan ng MILF at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT). 

Nauuna nang naisend off ang joint force noong a 24 nitong buwan na dinausan pa nang maikling programa sa Barangay Maybula, bayan ng Tulunan.(Ronald Padojinog/GNN news)

Tejada, iaakyat sa DAR at DENR ang land dispute issue sa Tulunan

Mismong si 3rd district Congressman elect Pingping Tejada ang umamin sa harap ng media na inatasan ito ni North Cotabato Governor- elect Emmylou Lala Talino Mendoza na magiging prioridad niya ang pag lakad ng Tulunan land dispute issue sa department of Agrarian Reform (DAR) at maging sa Department of Environment and  Natural Resources  (DENR).

Sa katatapos lang ng ginawang press conference ng mga opisyal ng Tulunan, Colombio at Datu Paglas, sinisisi pa rin ng mga opisyal ang land dispute issue na nagmula pa noong mga nagdaang taon. Sa report, meron di uamanong inissuehan ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng tatlong land title ng  iisang lupa dahilan upang magkagulo sa pag aagawan ang mga claimant.


Inamin din ng mga opisyal na ang pagplantsa sa nasabing dispute ay hindi ganoon kadali, sa mensahe nina Tulunan Municipal Mayor Lani Candolada at North Cotabato Governor Lala Mendoza, kapwa nila hiniling sa mga sibilyan lalo na sa mga apektado na ang kailngan ngayong panahon ay ang mas habaan pa ang pasensya dahil ang pagkamit sa kapayapaan ay may proseso at hindi minamadali. Umaasa naman ang dalawa at iba pang nagsalita na makakamtan din ang minimithing kapayapaan sa bayan ng tulunan.

3 anyos na batang evacuee, kinagat ng aso sa kasagsagan ng prescon!

Bayan ng Tulunan, North Cotabato, Hunyo 25 (GNN)-- Nangingitim ngitim pa ng tingnan ng doctor na nakaduty ang sugat ng isang 3 anyos na bata sa evacuation center sa brgy maybula tulunan kahapon habang kasagsagan ng pres conference sa lugar.  Kinilala ang batang si  Jerry Mart Tercano  may katamtaman ang laki at karga karga pa ng kanyang ina noong  ito’y nakagat.

Sa salaysay ng kanyang inang exklusibong nakapanayam ng gnn news team, habang nakaupo at nakikinig di umano ito sa live report ng grupo, hindi niya namalayang may aso di umano sa bandang paanan niya dahilan upang maabot ng aso ang paa ng kanyang anak na kalong niya noong mga sandaling  iyon. 
Sa tulong ng ggn news team dali daling namang umalalay ang tulunan rural health unit team sa mag ina. Agad hinugasan ang apektadong parte ng paa ng bata sa pinakamalapit na poso at sinabunanag mabuti.

Mangiyak ngiyak naman ang kanyang ina habang hinuhugasan ang paa ng bata.
Sa panayam kay Tulunan RHU Doctor Mylene Perez, sinabi nitong nagtamo di umano ang pasyente ng category one dog bite kung saan hindi tuluyang nagkaroon ng sugat ang bata ngunit may kaunting bugbog lamang ito. Payo ni Perez, dapat  obserbahan  ang aso sa susunod na dalawang lingo kung  ito ba'y manghihina o mamamatay. Oras na mangyari ito, positibo umano ang aso sa rabbies at kailangang mag pa inject ng anti rabbies ang bata. Sa oras na di umano mabantayan ang aso, o namatay sa aksidente sa kasagsagan ng obserbasyon, dapat ng pabakunahan si Jerry Mart.

Pansamantalang niresetahan ng doctor ang bata ng antibiotics at pinayuhan ang inang obserbahan ang aso maging ang anak nito. (Ronald Padojinog/GNNnews)